CARLEY's PoV

Umaga na pero kagabi pa ako gising,
Di ako makatulog knowing na may Namatay na isa samin,
Alam ko anytime may papatayin na namn ang killer hindi pa rin ako makapaniwala kulang na kaming uuwi at hindi ko alam kung paano namin to ipapaliwanag lahat

At sa tingin ko ay si

Kelsey talaga ang pumatay Kay Xander,
Sya lng namn ang may ganang gumawa ng ganon kasi sya lng namn ang may galit Kay Xander

"Tingin mo sino ang pumapatay?"

Tanong ni Lauren na naka upo sa kama nya, Oo sya ang katabi ko ngayon kasi gusto daw munang masolo ni Kelsey si Gia at linawin ang lahat.
Umiling iling namn ako

"Di ako sigurado"

Sagot ko,
Wla namn talagang sigurado,
Oobserbahan ko na lng muna Ang bawat galaw ni Kelsey
Sa ganong paraan ay malalaman ko kung sya ba talaga o hindi

"GUYS breakfast is ready"

Agad kaming naglakad palabas,
Nakatunganga lng Ang mga kaibigan ko na naka upo na sa dining,
Hindi pa din nag sisink in sa kanila ang mga nangyari at di maka move on
Sino bang makaka move on?
Eh matalik na kaibigan namin yun eh!

"Si Gia saan?"

Tanong ni Avril,
At ngayon ko lng nalaman na Wla nga sya

"Nasa kwarto, nagmomokmok"

Sagot ni Kelsey

"Saan nyo.."
Medyo pumiyok ang boses ni Ruby
"Saan nyo i-inilibing si--"

Di na sya pinatapos ni Theo at nagsalita na ito

"Nilagay muna namin sa basement pansamantala"

Pansamantala?!

"Seryoso?"

Tanong ko,
Tumango namn sila ni Von

"Teka..kung iuwi muna kaya natin sya, kung umuwi na kaya tayong lahat"

Wla na namn ako sa aking sarili,
Mas mabuti nga yung sinabi na umuwi na lng kami,
Baka Wla ng mamamatay na isa pa saamin

"Alam namn Nating Wla pa ring tigil ang ulan diba?, halos umapaw na din ang baha,
Halos lumubog na din ang mini van dahil sa taas ng baha paniguradong sira na ang makina non"

Sabi ni Von,
Napabuntong hininga na lng ako,
Nawalan na ako ng ganang kumain

"Kain na.."

Sabi ni Ruby,
Nagsimula na silang Kumain, kahit na Wla akong gana ay Kumain pa rin ako

"Pag tumila ang ulan at tumigil na ang baha, kahit na gabi ay uuwi tayo"

Sabi ni Avril na disedido na talaga,
Tama sya baka di na nga kami sikatan ng araw eh, knowing na kasama namin ang pumapatay

"Oo, uuwi agad tayo"

Sabi pa ni Von habang hinahawakan ang kamay ni Avril na naka patong sa mesa,
Agad namn iyong binaba ni Avril at nagpatuloy na sa pagkain

**

Gabi na at nasa kanya-kanya na kaming mga kwarto,
Di ko alam ang gagawin, kung matutulog ba ako o hindi?

Pinagmasdan ko lng si Gia na mahimbing ng natutulog, at nakasout pa ng earphone, pampakalma nya ata.

Oo kami na ulit ang nagshashare dahil Tapos namn na daw silang mag-usap ni Kelsey

Maya-maya lng ay biglang Namatay ang ilaw,
Kaya dahan dahan akong tumayo,
Grabeh na din ang kaba na nararamdaman ko,
Sht!! Brownout?!

Agad akong naglakad papunta sa bintana, bubuksan ko ang bintana para may ilaw namn kahit papaano,
Pag lumabas ako ng kwarto Wla rin namn akong makikita,
Binuksan ko na nga ang bintana

Teka! Ano bang ginagawa ko?!,
Agad akong tumakbo pabalik sa kama at kinuha ang cellphone ko na nasa Bed side table, Wla pa rin signal

Pipindutin ko na sana ang flashlight pero may tumama sa paa ko,
Pakiramdam ko ay naputol ang paa ko sa sobrang hapdi

"Aray!"

Nabitawan ko ang cellphone ko at gumapang papalapit sa may Bintana

"T-TULONG!!!"

Naririnig ko na ang mga yabag ng paa nya na papalapit,
Hindi! Ayoko pang mawala!
Kailangan Kong makatakas sa kanya

"TULUNGAN NYOKO!!!"

"TULONG!!"

"GIAAAA TULONG! AHHHHHHH!"

Hayan na sya!

"TULONGGG!!"

Sigaw pa Carley!
Sigaw!

"TULONGAN NYOKO! GIAAA!!!"

Nakaramdam ako ng pamamanhid sa noo ko,
Shit!
Ang sakit
Parang nahati ang noo ko,
Nanghihina na ako

Napatingala ako at pinagmasdan ang babaeng nakahubad-teka!

B-bakit?!

"Pahinga ka na di ka makaka survive sa mundo kasi madali kang i manipulate"

Ang boses na yu....n

Nakaramdam ulit ako ng mabigat na bagay na tumama sa ulo ko at nandilim na lahat..

LARAWANWhere stories live. Discover now