GIA's POVHalos mabaliw ako sa mga pangyayari, buntis si Kelsey, si Xander ba ang ama?
Hindi na ako nakakaramdam ng sakit, para na akong sobrang manhid, magang maga na din ang mga mata kakaiyak boung gabi ang ulan wala pa ring tila pero medyo humina na ito
Pansamantala din naming iginapos si Ruby baka kasi manakit ulit sya, naaawa ako kasi nadala lang din sya ng emosyon at takot na mamatay
"H-hindi ko sinasadya pasensya na kayo" iyak pa rin ni Ruby, Si Avril naman ay nakaupo lang sa sofa at walang reaksyon ang mukha, lahat kami nandito at hindi alam ang gagawin
Ang bakasyon na dapat masaya ay nauwi sa ganito, namimiss ko na sila, Kelsey, Carley at lalong lalo na ang Xander ko
Kahit ganoon yun kabully sa iba pero sa akin grabe yung respeto na binibigay nya, balak ko pa naman syang sagutin na sana pero wala na eh
Preskong presko pa yung sakit, gusto ko na makalimot, gusto ko inisipin na panaginip lang ang lahat sana pag gising ko sa pangit na panaginip na ito ay kompleto pa din kami
Sana pag gising ko ay sabay pa din kaming papasok sa school na kahit sobrang nabobugbog na sa school works ay nakangiti pa rin, nakakatawa pa rin
Sana pala hindi na lang kami nagbakasyon, buhay pa sana sila ngayon at hindi sana kami dumating sa ganitong pangyayari
Hinding hindi ko ito makakalimutan, lahat ng to, araw araw ko itong dadamdamin hanggang sa malimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko..
RUBY's POV
Nakatali ako sa gita ng sala habang napapalibutan ng mga kaibigan ko, hindi ko sinasadya! Hindi ko intensyon na pumatay
Pasensya ka na talaga Kelsey! Pasensya na hindi ko talaga sinasadya
Sobra akong natatakot para sa buhay ko, marami pa akong gustong gawin sa buhay,
Pero hindi ko sinsadyang gawin ang bagay na iyon!"Ikaw din ba ang pumatay kina Carley?" Tanong ni Von, napailing ako ng mabilis
"Hindi! Hindi ako ang killer maniwala kayo" hagulgol ko, "pag tumila na ang ulan uuwi na tayo ka agad" Sabi ni Theo
***
Von's PoV
Tumila na ang ulan kaya agad na kaming nag handa para umuwi, Kinalagan na din namin si Ruby, ewan ko ba kung di nya ba talaga yung sinadya, para akong nakalutang na lang talaga sa ere
Nilagay na agad namin ang mga gamit sa loob ng van,
At ang mga bangkay ng mga kaibigan namin ay inilagay namin sa likodNangangamoy na ang bangkay pero wala na kaming pakealam, ang importante ay maiuwi namin silang lahat
5pm na ang oras at paniguradong gabi na kami makakauwi
Isa saamin ang pumapatay, at
Kasama namin ang killer habang nasa byaheBahala na..
"Sakay na guys"
Sabi ko, at nagsikayan na nga silang lahat,
Si Avril pa rin ang katabi ko sa drivers seatKahit medyo naiinis ako dahil sa nakita ko kagabi
"Nakasakay na ba lahat?"
Tanong ko
"Oo"
Sagot Nila,
Pinaandar ko na ang mini van.
Tahimik ang lahat boung byahe,
At wala ni isa ang gustong umimik"Kumpleto tayong pumunta..
Kulang na tayong umalis"
-Gia"Pagka nalaman ko kung sino ang pumapatay,
Kahit na ikaw yun Von,
Humanda ka talaga"
-Theo"Talaga?"
Tipid Kong Tanong
"Oo"
"Ruby mangako kang pananagutan mo ang naggawa mo pag nakauwi man tayo"
-Lauren"Pananagutan ko ang kasalanan ko pero sana rin ang killer ay pananagutan din nya lahat"
-RubyNatahimik na ulit at nakatoun lng ako sa daan
6pm
Dumidilim na,
At pahina na ng pahina ang takbo ng mini van,
Shit!
Baka maubusan pa kami ng gas Tangina lng talaga!7PM
Tuluyan ng huminto ang van,
Kaya halos tawagin ko na ang lahat ng demonyo sa sobrang inis,
Nagsilabasan na kaming lahat
Nasipa ko na lng ang pinto ng mini vanJusko po,
Kailangan namin makauwi"N-nasa gitna pa rin tayo ng gubat"
-Gia"Pano na to?"
-Ruby"Maglakad tayo, baka sak aling may makita tayong bahay Jan sa unahan"
-Theo"Tara"
-AvrilDi na namin kinuha ang mga gamit namin at nagsimula ng maglakad,
Naka flashlight na kami dahil madilim na talagaTanging mga kuliglig at mga insekto lng ang tanging naririnig namin
Tahimik na tahimik kaming naglalakad,
Wla ni isang gustong mag-salita dahil na din Siguro sa takotBaka dito na naman kami babawasan ng killer, malalaman at malalaman na talaga naming kung sino sya.
YOU ARE READING
LARAWAN
Mystery / ThrillerAng kwentong ito ay tungkol sa mag babarkadang nagbakasyon sa isang cabin malayo sa kabihasnan Ang akala nila'y masaya at memorable na bakasyon ay nauwi sa brutal na mga pangyayari.