EPILOGO

1 0 0
                                    



RUBY's PoV


Napakagandang pagmasdan ang sikat ng araw,
Sa kabila ng mga nangyari ay maswerte pa rin ako dahil buhay pa ako, kami nila Kate at Theo

"Ruby Tara na"

Napalingon ako sa likod ko kung saan naroroun si Avril,
Nginitian ko namn sya

"Eh kung itulak mo kaya itong wheelchair ko, tulungan moko, tinatamad ako eh"

Napanguso naman sya at naglakad papalapit sakin,
Nagwewheelchair na ako dahil naputol ang kaliwa Kong paa,
Dalawang linggo na ang nakalilipas at ngayon ang araw na papatawan si Lauren

Kaya di ko palalampasin ang araw na ito ng hindi sya nakikitang nagluluksa, nahihirapan, bumabagsak!

Napagdesisyonan ko na din na saka ko na haharapin ang sarili kong kaso pagkatapos namin malutas ang kaso namin kay Lauren

"Bilisan nyo guys baka malate kayo"

Salubong ni Theo sa amin, Si Theo hindi pa sya masyadong magaling pero sumasama pa rin sya sa hearing, ewan ko sila na ata ni Avril bagay naman sila eh

"Oo na nga"

Sagot pa ni Avril,
Inalalayan Nila ako papasok sa kotse at nilagay ang wheelchair ko sa likod,
Grabe hirap pala ng walang isang paa,
Pero okay lng, atleast nabuhay ako

"Nag-agahan ka Ruby?, baka sa sobrang excited mo di ka na nakapag Breakfast"

Pabirong Tanong ni Avril Sinamaan ko naman sya ng tingin

"Grabe ka sakin, Kumain kaya ako"
Sagot ko

———AVRIL's PoV

Nakarating na kami sa korte, at naglalakad na papasok, tulak tulak ko ang wheelchair ni Ruby, at ang bruha tuwang tuwa,
First time ko raw kasi Syang itulak Hahaha

"Oh nandito na pala kayo, Tara sabay na tayo papasok"

Salubong saamin ni Elle,
Nginitian naman namin sya at nagsabay nga kami papasok

"Mahal yung date natin mamaya"

Bulong sakin ni Theo kaya siniko ko sya,
Di pa nga nagsisimula ang hearing pero date na iniisip,
"Aray naman"
Reklamo nya
"Mamaya na yun, masyado kang excited"
Sagot ko

masaya ako dahil papaano ay medyo nabalik na din ang lahat sa normal pero di na ito kagaya ng dati, nakarecover na din ako medyo sa trauma at si Theo naman unti unti nang bumabalik sa pagtugtog sa banda nya, dahil nga sikat sya ay naging headline ang nangyari sa mga balita ng iilang linggo at lahat ay concerned sa kanya

Sobrang lungkot din ang naramdaman ng mga magulang ng mga kaibigan namin, Wala na silang magagawa dahil nangyari na

Ako naman ay unti unti ng bumabalik sa pagkahilig ko sa pagkuha ng larawan, Ilang linggo ko din di nahawakan ang camera ko matapos ko makita ang larawan ng mga kaibigan ko na ako mismo ang kumuha.



NAKA upo na kami sa upuan, ilang Minuto na ang nakakalipas mag iisang oras na nga pero wala pa rin si Lauren
Kinakabahan na ako baka kasi tumakas na sya

Wag naman sana, di pa namin nakukuha ang hustisya kaya di sya pwedeng makatakas

"Dadating pa ba yun?"

Tanong ko Kay Elle,
Tumayo naman sya at dinukot ang cellphone nya sa bulsa nya

"May nagtext sakin.."

Sabi nya

"Ano sabi?"

Tanong namin ni Ruby

"P-patay na daw si Lauren.."




——ELLE'sPoV

Matapos naming malaman na patay na si Lauren ay dali-dali kaming nagpunta sa Mental hospital kung saan namin sya inilagay,
Baliw na sya kaya inilagay na sya dito

Binuksan ng kasamahan Kong pulis ang pinto ng kwarto, at bumungad saamin ang bangkay ni Lauren, Nangangamoy na ito, kaya agad akong napatakip sa ilong ko

Posibleng matagal na talaga Syang nagpakamatay dahil dalawang linggo ang nakakalipas matapos ang hearing, at Dalawang linggo rin kaming nag intay, gusto kasi ni regine na masilayan ang paghihirap ni Lauren Kaya't pinaghintay namin ang Hatol ng dalawang linggo hanggang sa maka recover na si Ruby

Wala na rin naman say say ang buhay ni Lauren kaya't mabuti na rin ito,
Sana ay lapain ang kaluluwa nya sa impyerno

Wala nga pala Syang kaluluwa, ang hayop na tulad nya at walang kaluluwa
Walang puso
Kaya dapat lng sa kanya yan.

----

5 years later...


---RUBY's POV

Nakaupo ako sa harap ng puntod ng mga kaibigan ko, kakalabas ko lang noong nakaraang linggo.
Sila Xander, si Carley, si Gia, si Kelsey, at si Von

Masaya ako dahil alam Kong mapayapa na sila dahil nakuha na Nila ang hustisya Nila,
At sa wakas ay naging payapa na ulit ang buhay namin

Si Avril at Theo ay ikinasal sa Paris, at nag decide na mag settle na sa Canada, dahil doon na mag tatrabaho, malayo layo na rin ang narating nong dalawa, naging sobrang sikat ng banda ni Theo pero nag retiro sya at nagfocus kay Avril

Si Elle ay tumigil muna sa pagpupulis dahil buntis, Hahaha akala ko talaga ay tibo sya pero hindi, nagpakasal sya sa isang FilAm kaya donyang donya na sya ngayon.

Ako naman ay nakahanap na rin ng love of my life
Si Eric, nakakatawa lng isipin dahil sa kabila ng kapansanan ko ay may lalaki pa ring tumanggap saakin

Pakiramdam ko ay napakaswerte ko  dahil tanggap nya kung Ano ako,
Tanggap ko rin kung Ano sya,
Tanggap ko rin na nagkaroun sya ng Asawa noon at dalawang anak, pero Namatay ang mga ito.

Nakaramdam ako ng mga kamay na yumakap saakin

"Mahal kita Ruby"

Nginitian ko naman, hinalikan nya ako sa noo at hinawakan ang kamay ko

"Mahal na mahal din kita Eric"

Mahal na mahal kita Eric Quizon, kahit na Ama ka ng hayop na pumatay sa mga kaibigan ko,
Kahit ba Ama ka ni

Jane Quizon.





----wakas.

LARAWANWhere stories live. Discover now