---AVRIL's PoVDi ako makapagsalita sa sinabi ni Lauren,
So sya pala ang kapatid ni Ethan,
Ang yumao naming kaibigan"Kasalanan yun ni Ethan. Nakainom sya, pinigilan namin sya na magmaneho, pero matigas ang ulo nya nadamay pa nga kami"
Sabi ko,
Sinamaan naman ako ng tingin ni Lauren alam kong gigil na gigil na syang kitilin ang buhay ko pero Lalaban ako, lalabanan ko sya!Naitulak nya nga ako sa rooftop kanina, pero di naman gaano kasakit ang pagbagsak ko kanina,
Nabagsak ako Isang basurahan basurahan ata iyon ng mga tela dahil malambot"At ngayon ay si kuya naman ang sinisisi nyo sa nangyari sa kanya?!"
Itinutok nya sakin Ang espada na dala nya,
Totoo naman ang sinasabi ko,
Si Ethan ang nagdrive ng sinasakyan namin at dahil nakainom sya bumangga kami, pero sya ang Namatay dahil sa matulis na bakal na tumama sa Tyan nya"Natatandaan nyo ba tong espada na dala ko?"
Tanong nya ng nakangiti ng nakakaloko, yan ang espada na binili ni Ethan bago sya namatay, may mga collection sya nito at talagang napakarami noon pero yan ang pinaka paborito nya
"A-ako na lng ang patayin mo!, total ako naman ang dahilan kung bakit naglasing si mark nong araw na yun"
Dahan dahang napalingon si Lauren Kay Ruby,
Nako.."ANONG IBIG MONG SABIHIN?!"
Napapikit ng mariin si Ruby at napaiyak
"Binusted ko si Ethan nong araw na yun mismo.."
"A-at dahil don, uminom sya.. At nalasing hindi ko naman alam na ganoon na pala kalalim ang nararamdaman nya sa akin eh.."
"KAYA AKO NA LNG ANG PATAYIN MO!! A-AKO ANG MAY KASALANAN!!"
Itinutok na ni Lauren ang Espada sa leeg ni Ruby, napapikit na si Ruby at talagang nag hihintay nang tamaan sya.
Hindi!
Wag si Ruby!"Ruby Ano bang pinagsasabi mo!!, wala kang kasalanan!!"
Awat ko,
Di din naman Tama na sisihin nya sarili nya,
Kasalanan nya bang di nya magustuhan si Ethan dahil sa magaspang nitong ugali"Tss..Avril pinapaubaya na nya sakin ang buhay nya, wag ka ng humadlang"
Inis na sabi ni Lauren,
At nakangising tumingin Kay RubyHindi!!
Hindi pwede!!!
Hindi ako papayag!!!
Tangina!!!
Dapat may gawin ako!!
"MAMATAY KA NA!"
Ayan na dinidiin na nya!! Hindi pwede!!
Kailangan kong matulungan si Ruby!!"WAG MONG GAWIN YAN!"
Natigilan si Lauren maging ako ay natigilan rin,
Napagtanto ko na may baril na palang nakatutok sa ulo ni LaurenSi Elle, sa wakas ay nandito na sila,
Agad Kong hinila si Ruby palayo Kay Lauren,
Pero tinulungan agad ako ng mga kasamahang police ni Elle,
Oo Police si Elle kaya nga sya di naka Sama sa outing dahil may trabaho sya"Ilayo nyo na po sya dito..Baliw na yan!"
Sabi ko sa nga police na hila hila si Lauren palabas,
Napaupo na lng ako sa sahig at napahagulgulB-buhay pa ako!!
B-buhay pa kami ni Ruby!!
Pero yung mga kaibigan namin..
Hindi na.."Okay lng yan Avril sisiguraduhin Nating mananagot ang dapat managot"
Sabi ni Elle, agad ko Syang niyakap
"Salamat!"
"SI THEO!" Napatayo ako at napatakbo pabalik sa loob, tumulo ang luha ko at hindi maisip na pati sya mawawala sa akin
"THEOOOO!!" Sigaw ko, pero tanging ang tunog lang ng sirena ng mga pulis ang naririnig sa paligid
"A-avril!" Boses yun ni Theo, agad akong umakyat sa Second floor at nakita ko sya sa may hagdan, duguan ang tyan at ang ulo nya
Napaiyak akong tumakbo papunta sa kanya at agad na niyakap sya
"Theo! Theo wag kang bibitaw! Nandito na ako ligtas na tayo Theo" sabi ko at hinawakan ang pisnge nya
Ngumiti naman sya sakin ng nanghihina, Tumama ang sinag ng buwan sa kanyang napaka perkpektong mukha, kahit na sugatan sya at may dugo dugo sa mukha ay napakagwapo nya pa rin
"Gusto din kita Theo" sabi ko at hinalikan sya sa labi.
–––ELLE's POV
"Ito po yung listahan ng mga Namatay, kabilang na rin dito yung mga bangkay na nakita namin sa mini van at sa loob ng building"
"Carley soriano
Xander Lopez
Gia Valdez
Kelsey Cruz
Von Reyes"Tumango lng ako,
Kahit iyak na iyak na ako dahil sa nangyari,
Di ako makapaniwala na ang pinakamamahal Kong mga kaibigan ay mamamatay ng ganon ganon na lngMas matatanggap ko pa kung Mamamatay sila sa sakit o karamdaman, hindi yung ganito
Pero kahit papaano nabuhay naman sila Ruby,Avril at Theo
Pero di na kami kumpleto.Hindi ko inisip na mangyayari sa kanila ang ganito ka lalang krimen, grabe si Lauren at nagawa nya ito sa sarili naming mga kaibigan, napaka hayop!
Isinakay na si Lauren sa kotse at nakaposas na din, tiningnan ko sya sa loob at nakayuko lang ito
Kulang bayad ang buhay nya sa mga buhay na kinuha nya, may deperensya din sya sa pag iisip kaya pansamantalang tutuloy muna sya sa mental
Napakalala ng nangyari, hindi ko sya mapapatawad.
AVIRL's POV
Habang nakasakay kami sa ambulansya ay nakatulala akong naghahalungkat sa mga gamit sa bag ko
Nakita ko ang camera ko at iilang film sa loob, ang mga larawan namin bago mangyari ang lahat
Inisa isa ko ito nang tingin at nanlaki ang mga mata sa nakita
Ang larawan na kinuha ko noong pagdating namin, ang larawan na kinuha ko sa mga kaibigan ko
Ang mga kaibigan ko...
Wala silang mga ulo.
YOU ARE READING
LARAWAN
Mystery / ThrillerAng kwentong ito ay tungkol sa mag babarkadang nagbakasyon sa isang cabin malayo sa kabihasnan Ang akala nila'y masaya at memorable na bakasyon ay nauwi sa brutal na mga pangyayari.