KINABUKASAN--
Mismong si Ma'm Monique ang pumasok ng kuwartong tinulugan ni Celia upang sana’y gisingin ito. Upang sabay sabay na silang mag-almusal at ito na lamang ang wala sa mesa.Only to be greeted with the most surprising event of a lifetime—the most disgracful birthday presence she ever had had. The biggest scandal ever came about the Sandival mansion.
Dalawang taong estranghero sa isa’t isa ang magkatabi sa iisang kama sa iisang kuwarto at hubu’t hubad pa man din. Sa pagkabigla sa nakita ay napasigaw si Ma’m Monique. Na siyang naging dahilan upang mabulabog ang buong kabahayan ng Sandival mansion.
Ang mga naninilbihang naroon sa mansion. Mga kaibigan at katrabaho ni Celia. Ilang kaibigan ni Jarred na nag-overnight din pala sa mansion. Lahat sila ay tinunton ang sigaw ni Ma’m Monique. Curious for what could have happened.
Huli na nang mapagtanto nina Celia at Jarred ang nangyayari. Dali silang nagtakip kapwa ng kumot. Lahat ng tao ay nasa may pintuan sa may doorframe. Iba ay nakapasok na talaga ng kuwarto. Nakikiusyoso. Matamang nakamasid sa kanilang dalawa at sa krimeng naganap. Tila ba isang katatapos na eksena sa isang porn movie ang nangyari.
Dala na rin marahil ng pagkahapo at pagkalasing kayat tila kapwa pa rin sila may bahid ng pagiging lutang ang isip.
Sina Lizbeth, Lulu at Ma’m Monique—everyone was all eyes on them. Undoubtedly, the biggest embarrassment in Celia’s supposedly morally sound life.
Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. Hiyang-hiya siya sa kanyang mga kaibigan. At hiyang-hiya siya kay Ma’m Monique. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nilang lahat tungkol sa kanya. Tungkol sa nangyaring iskandalo. Wala na siyang mukhang ihaharap pa sa kanila. At ayaw na niyang magpakita pa sa shop.
So she straight away resigned from work the next day. Dahil sa walang mukhang ihaharap ay nakiusap na lamang siya kay Lizbeth na iparating kay Ma’m Monique ang tungkol sa kanyang pasya. Hindi na siya pumasok pa ng gadget shop mula nang mangyari ang insidenteng iyon. Hindi na muling nagpakita pa sa mga kasamahan.
Samantalang ang kanyang bestfriend na si Lizbeth ay nanatili sa kanyang tabi. Hindi niya ito maaaring iwasan dahil magkasama sila sa apartment. Mabuti na lang at full support ito sa kanya. Walang sawa sa pagpapalakas ng kanyang loob at sa pagpapakalma sa kanya sa tuwing malulugmok sa panlulumo.Higit kaninuman ay ito ang mas nakakakilala sa kanya. Naniniwala itong hindi niya kasalanan ang nangyari. Na ang impluwensiya ng alak marahil ang nagdala sa kanya sa sitwasyon na iyon. Na hindi siya mababang uri ng babae na basta na lamang papatol sa isang lalaki. Na kapwa sila lasing marahil ni Jarred kayat maaaring naimpluwensiyahan ng epekto ng alkohol ang mga utak para maging mapusok. Kayat hindi nakapag-isip ng lohikal.
Kung puwede lamang burahin ang lahat sa kanyang alaala. Siguro ay mas madali para sa kanya ang bumalik sa dating normal na buhay. Ang makapag-move on. But there was no such thing. Mananatili ng marka sa kanyang buhay ang pangyayaring iyon at hindi na mabubura pa kailanman.
More than a week na siya sa paghahanap ng trabaho. Kung mamalasin nga naman, itlog na naman ang resulta. Nganga na naman siya. She took a breather for a while in front of a canteen beside the street she was walking on. Nauuhaw na siya. She politely asked for a glass of water. Wala na siyang pambili ng pagkain. Kapos na siya sa budget.
Anyway ay nakakain na naman siya ng limang hopia kaninang tanghalian. Yes, hopia ang kanyang pananghalian. Talagang higpit ng sinturon ang ginagawa niya. Buhay kapos nga naman.After drinking a glass of water, bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Buti’t mabait ang may-ari ng canteen at mga tauhan doon at dinaluhan siya. Pinaupo at pinagpahinga.
In-offeran pa siya ng pagkain. She refused dahil wala na siyang perang pambayad. But the owner insisted. Okay lang daw at huwag na siyang magbayad. Libre na. Namumutla raw kasi siya at marahil ay nalipasan ng gutom kayat nahilo. Humingi siya ng pasensiya sa ale at malugod na tinanggap ang kanyang pagmamagandang loob. She smiled sweetly back to her.
Despite of the miserable life she’s in, nakakataba ng puso na makatagpo ng mga taong may mabubuting puso. The thought made her smile amidst misfortune. Her heart swelled. Maluha-luha na nga siya.
YOU ARE READING
One Intimate Night With A Billionaire
RomantikThey were invited sa bahay ng kanilang boss for her post birthday celebration. And of her entire life, sa pelikula lamang siya nakakakita ng prinsipe o kaya'y sa panaginip. And it was definitely a jaw dropping experience seeing one in broad daylight...