Past twelve na noon ng tanghali at siya na lamang ang nasa reception desk. Nakapananghalian na siya. Alternating sila ng schedule ng lunchbreak dahil hindi puwedeng walang tao sa reception counter.Samantalang ang kanyang dalawang co-receptionists ay kasalukuyang out for lunchbreak.
Hanggang sa may dumating na package from a known courier service company. Itinuro siya ng mga guard sa entrance para ipagkatiwala ang brown envelope. Nakalagay ang pangalang Johnny Reid del Prado as consignee at may memo na urgent sa envelope.
Tumawag siya sa intercom para ipakuha kay Mang Tasyo na siyang messenger ng kumpanya ang package. Pero ayon sa sumagot ay wala si Mang Tasyo at nautusan daw sa labas.
She was reminded of the urgent memo. Wala siyang ideya kung para saan ang envelope o kung ano ang nilalaman niyon. Pero kung naka-label ito ng urgent ay kailangang maiabot iyon sa CEO office sa lalong madaling panahon.
Pero wala si Mang Tasyo para gawin iyon. Kung ipagkatiwala niya sa iba, sagutin niya kapag hindi iyon umabot sa kamay ng CEO.
But one thing’s for sure, kailangan iyong makarating the soonest sa office ng chief executive officer ng hotel—no less than Jarred or Johnny Reid.
Pero sino ang uutusan niya para gawin iyon. Hindi naman niya maiutos sa mga guard na ihatid iyon sa opisina ni Jarred. Importante ang trabaho ng mga ito para sa security ng hotel at hindi puwedeng mawala sa entrance.
Seemed no other recourse than her personally to hand it over to him. Pero hindi pa siya handang makaharap ito face to face. Nope, not this too soon. Oo nga’t magkasama sila nito sa trabaho at boss pa niya ito. Pero hindi naman kasama sa description ng kanyang trabaho na mag-report dito at magkaroon ng personal encounter dito.
So long chances would permit ay iiwasan niyang makaharap ito. It would feel very much awkward meeting him eye to eye. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang lahat. Hindi nga lang niya alam kung naaalala pa siya ni Jarred. O ang tungkol sa nangyari.
Pero ramdam niyang namumukhaan siya nito—like she was some familiar face. Hindi nga lang siya sigurado kung hanggang saang detalye ang naaalala nito tungkol sa kanya.
Pero ano na namang laro ng tadhana ito ngayon?Salamat na lang at namataan na niya ang kanyang mga kasamahang receptionists na pabalik. Tamang-tama at sa kanila na lamang niya pahahatid ang envelope.
Ngunit pagdaka ay nag-atubili siya. Baka bigyan naman ng ibang kulay ng mga ito ang bagay na iyon. Akusahan siyang may sungay at feeling VIP. Feeling na malakas siya kay Doña Augustina kayat kung umasta ay animo’y boss. Na kabagu-bago pa lamang niya ay siya pang may ganang mag-utos sa kanila. Nasa isip pa naman ng mga ito na dahil direct hire siya at in-assign kaagad sa computer at phone duties ay may special treatment nga sa kanya si Doña Augustina.
Pero bahala na. Susubukan na lamang niya. Everything but a face to face meet with Jarred. Hindi pa niya kaya.
Nakabalik na sa counter ang kanyang mga kasamahan. Ilang sandali pang pahinga ng mga ito at naglakas loob siya. Alangan ngunit magbabakasakali pa rin siya.
“Rosett, kasi may ibinigay na envelope dito sa counter. Wala si Mang Tasyo. Okay lang ba kung ihatid mo sa office ni Sir del Prado. Urgent kasi ang nakalagay na memo sa envelope.”
Tumingin ito nang mataman sa kanya. Sabay ay nagtaas ng kilay at nag-irap ng mata.
“Okay ka lang girl?,” saka ay pa-snub na tumalikod ito.
She got it. It’s a no.Sinubukan pa rin niya sa isa pa niyang kasama. Ngunit ibubuka pa lamang sana niya ang kanyang bibig nang….
“It’s a no Celia. Sa iyo iniabot ang envelope na ‘yan so your responsibility. Wala kaming sagutin kapag hindi iyan nakarating sa opisina ni Sir Johnny Reid on time.”
YOU ARE READING
One Intimate Night With A Billionaire
RomantikThey were invited sa bahay ng kanilang boss for her post birthday celebration. And of her entire life, sa pelikula lamang siya nakakakita ng prinsipe o kaya'y sa panaginip. And it was definitely a jaw dropping experience seeing one in broad daylight...