KABANAT-5

7 0 0
                                    


Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho. Patuloy pa rin ang buhay. Now, more than ever, was the high time for her to find a job. She needed to have one the soonest.  Kailangan na niyang umpisahang mag-ipon. Ilang buwan na lang ay lolobo na ang kanyang tiyan. Ilang buwan pang lilipas ay kailangan na niyang huminto sa trabaho para sa kanyang panganganak.

Paano pa kung maging tuluy-tuloy ang pagiging maselan ng kanyang pagbubuntis?

Minsan minsan ay nakakaramdam pa rin siya ng bahagyang pagkahilo. Ramdam niya ang pagiging maselan ng kanyang first trimester. But coulnd’t afford to take a rest and stop hunting for a job. She was like racing against time. Paubos na ang ipon niyang pera. At talagang minamalas pa siya sa paghahanap ng trabaho. Ni hindi pa nga siya nakakapagpa-check up sa isang ob-gyne dahil sa kakapusan.

Naglalakad sa isang secondary road sa isang business district para maghanap pa rin ng trabaho. Lahat ng online application niya, ni isa hanggang ngayon ay wala pa ring nagre-respond. Either malas lang talaga or super tight lang ang kompetisyon sa mga job opportunities. Malaki ang supply ng workforce, kaunti ang opportunities. Samahan pa na second year college lang ang inabot niya.

Pakiramdam niya ay parang mahihilo na naman siya. Wala pa namang tao sa paligid niya. Who would attend to her if in case? Nakita niyang sa kabilang side ng daan ay may mga taong nag-uumpukan.

Maiging doon siya sumpungin ng hilo kung sakali. Hope for a good Samaritan to lend her a hand if ever something happened.

Dali siyang lumakad upang makatawid ng daan bago pa tuluyang mahilo.
But in the middle of the road, right off, she felt a sudden jerk of dizziness—massive dizziness. Seeing everything like spinning around. Hindi na niya magawang humakbang pa. Hindi na siya makagalaw. Until she straight away fell on the pavement. Like fainting. Mabuting natantiya pa niya ang kanyang pagbagsak at hindi tuluyang nabagok ang ulo. 

"Krisanto!, Diyos por santo, nasagasaan mo yata ‘yong babae.”

“Senyora hindi po. Bigla na lamang pong natumba sa harap ng kotse.”

“Vamos! Bumaba ka at buhatin mo. Dalhin natin sa ospital.”

Iyon ang ingay na maririnig sa paligid. Narinig niya ngunit walang malinaw na salita na rumehistro sa kanya. Sinubukan niyang magmulat. Ngunit sobrang umiikot ang nakikita niya sa paligid. Hindi niya kaya kayat muli ay pumikit na lamang siya. Until she totally lost consciousness. She passed out.

Nagising na lamang siyang nakahiga na sa kama. Mabigat ang pakiramdam. Ginala niya ang paningin at ang paligid ay puro puting dingding ang makikita. Sa kanyang kamay ay may nakatusok na catheter na nakakabit sa intraveinous fluid at nakasabit sa 4-hook stand.

Nabaling siya sa may couch at may nakaupong isang mestisahing matandang babae. Maganda at pusturang nakakaangat sa buhay. She was holding a magazine and very much occupied reading. Nang mapansin siya nito.

“Oh, hija, buti you’re awake now.”

Wondering who the lady was. “N-Nasaan po ako? Ano’ng ginagawa ko rito...at s-sino po kayo?”

“Nahilo ka sa daan hija at nawalan ng malay. Dinala ka namin dito sa ospital. No worries. Nothing serious happened with your baby. Congratulations, buntis ka pala?” nakangiting sabi ng magandang matandang bababe. Magaan ang aura nito.

Oo nga pala. Buntis nga pala siya. Pinaalala nito. Kung puwede lang kalimutan.
Saka niya napagtantong oo nga’t nasa ospital nga pala siya. Agad siyang akmang babangon at tatayo. Wala siyang perang pambayad.

“Oh hija!, what are you doing?,” nagulat ang matanda sa naging agarang kilos niya.

She looked straight into her eyes. “Kailangan ko na pong umalis. Wala po akong pambayad ng ospital.”

One Intimate Night With A BillionaireWhere stories live. Discover now