KABANATA-1

13 0 1
                                    


“Kampay!,” pangunguna ng birthday celebrant para sila mag-toast.

“Kampay!,” segunda naman ng tatlong Mariang alipores. Sabay ay pinagdikit-dikit nila ang kanilang mga wine glasses at bahagyang pinakalansing. So far ay masaya ang kanilang small drink session.

Apat sila—si Celia kasama ng bestfriend nitong si Lizbeth na madalas nagkakasama sa trabaho. Sabay nag-a-apply at madalas ay suwerteng parehong naha-hire. Si Lulu na tatlong buwan pa lamang nilang nakikilala pero kaagad ay nakagaanan na nila ng loob na kasama rin bilang shop attendant sa isang gadget outlet sa isang malaking mall sa may poblacion. At siyempre ang kanilang manager/owner ng shop na si Monique na siya ring birthday celebrant.

May dalawa pa silang katrabaho sa shop na hindi sumama. Isang tibo at isang babae na magkasintahan. Monthsary ng mga ito at nakiusap na hindi na lang sasama dahil may sariling lakad.

The event was a post-celebration of Monique’s 25th birthday. Tatlong araw na ang nakalilipas nang maganap ang grandiyosong birthday celebration nito. Not her 18th but almost as grand as that. Hindi nito iyon ideya.
Wala naman itong kabalak-balak magpa-party. Isang tita na ninang din nito galing States ang may pakana ng celebration. After 10 years ay finally nakapagbalikbayan sa Pilipinas. Naging kilala sa fashion industry sa States. Nakapag-asawa ng isang Amerikanong negosyante. Sumabak sa real state business at iba pa. Like a jack of all trades ay pare-parehong naging successful ang mga pinasukang investments.
Dahil na-missed out nito ang debut celebration ng paboritong pamangkin at inaanak ay bumawi ito ngayon. Isang grandiyosong birthday celebration sa pagtuntong nito ng beinte singko anyos. Almost as identically grandiose as her debut party. At siyempre gastos lahat ng ninang nito. At hindi nito tatanggapin ang ‘No’ for an answer mula sa pamangkin at inaanak.
Kayat as courtesy ay pumayag na rin ito. Makulit kasi kayat pinagbigyan na rin niya.
 
Dahil mayaman ay puro may mga sinasabi rin sa lipunan ang mga naging bisita nito—mga pulitiko, may posisyon sa gobyerno, mga business giants at iba pang mga nasa alta sociedad. Ang speaker of the house na congressman din ng bayan nila ay nandoon din. Kasama na rin ang ilang mga naglalakihang pangalan sa entertainment industry.  

Sila bilang empleyado lang nito ay inimbitahan din. Ramdam nila ang pakikisama nito sa kanila para imbitahan ba naman sa ganoon kagarbong okasiyon. Lubos ang pasasalamat nila sa gesture nitong iyon.
Pakiramdam nila kahit papaano ay importante rin silang nilalang ng Diyos. Pero hindi pa naman sila nasisiraan ng ulo para dumalo.

Simply they had had no business messing up with the most beautiful and the elite rankings. Isasalba na lamang nila ang kani-kanilang mga mukha mula sa kahihiyang maaaring idulot niyon.
Una ay pihadong may dress code ang nasabing extravagant party. Saan ba naman sila kukuha ng eleganteng damit na isusuot? Kahit isang buwang suweldo nila ay hindi yata kakasya para makabili ng isa. Renting garments could have been their best and sole option. Pero gagastos pa rin sila. At kahit ang pinakamahal na dress for rent ay magmumukha lamang basahan sa tabi ng mga crème dela crème of the society.

Ang party ay pihadong magmumukhang fashion show—a collection of designer’s clothes na suot ng mga naglalakihang bisita.
   
Kasama pa ang kaalaman sa proper table manners. Ni simpleng kutsara nga lang at tinidor ay bihira nilang gamitin sa bahay. Baka magkalat pa sila kung sakali. Baka nga imbes na sa birthday celebrant matuon ang sentro ng atensiyon ay sa kanila mabaling ang spotlight sa anumang posibleng kapalpakan o iskandalo nilang magawa sa party.
   
Oo nga’t tanggap sila ni Monique. Ni minsan ay hindi pa sila pinakitaan nito ng pagiging matapobre. Hindi pa nito ipinaramdam sa kanila na mula sila sa mababang uri ng lipunan.
  
But how many among the rich did have the same soft spot for poor ones like Monique? Baka nag-iisa na nga lang ito sa mundo. At baka nag-iisa lang ito sa bilang sa party na iyon. And the rest, hindi tanggap ang kagaya nila. Baka pagkatuwaan pa sila ng mga iyon. Gawing katatawanan ang kanilang kamangmangan sa table manners at proper etiquette ng mga aristokratang naroroon.
  
Bandang huli ay nag-insist na lamang si Monique na magkaroon sila ng small get-together as celebration for her birthday. Their version of a party na sila sila lamang para maging komportable ang mga ito.

One Intimate Night With A BillionaireWhere stories live. Discover now