Mula nang bumalik si Jarred sa hotel ay hindi siya mapakali. Walang saglit na nawala sa isip niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Celia. Kung bakit may agam-agam pa rin sa panig niya na basta na lamang lubusang maniwala sa sinabi nito. Sa kabila ng assurance nito na imposible ang chance na siya ang ama ng batang ipinagbubuntis nito. May bahagi sa kanyang pagkatao na tila nag-aatubiling basta na lamang tanggapin iyon bilang gospel truth. Nangungumbinsi sa kanyang magsiyasat. Upang makasigurado.
May posibilidad bang magsinungaling sa kanya si Celia?
Hindi niya mawari. Ngunit hindi naman imposible kung sakali. Sa kung anong kadahilanan. Wala naman siyang maisip. Something personal mightbe.
Hindi nga ba’t ang sabi nito ay five weeks pregnant ito. At ang namagitan sa kanila ay nangyari anim na buwan na ang nakakaraan.
Tama! Dapat sana kanina pa sa ospital, bago siya umuwi ay nag-usisa na siya. Tinanong ang doktor na tumingin kay Celia. Just to double check kung accurate ang bilang nito. O kung nagkamali ito and that it was a honest mistake. O kung sinadya man nitong magsinungaling sa kanya sakaling mali ang impormasiyong sinabi nito sa kanya.
Pakiwari niya sa sarili ay hindi siya magkakaroon ng peace of mind hanggat hindi siya nakakasigurado. Kayat yaring plano niyang bisitahin si Celia sa ospital kinabukasan, mabuti na rin siguro’t dumaan siya sa clinic ng doktor na tumingin kay Celia. She’s anyway holding clinic hours there in the same hospital. Only there’s a different building allotted for doctors to hold clinical practices. Dadaan na muna siya rito at
mag-uusisa sa doktor na tumitingin kay Celia tungkol sa mga detalye regarding her pregnancy.And exactly he did. Nang bumisita ito kinabukasan sa ospital upang kumustahin ang kondisyon ni Celia ay minabuti nitong tumungo muna sa clinic ng doktor. Nagco-conduct ng clinical practice ang doctor sa oras na iyon sa pareho ring ospital.
Laking gulat niya sa impormasiyong nakuha sa doktor. Hindi niya inaasahan ang rebelasiyon na ito. Ang kompirmasiyon sa kanyang kutob. Ayon sa doktor ay six weeks pregnant at hindi five weeks ang ipinagbuhuntis na sanggol ni Celia. Iyon ang paninigurado ng doktor. Not seven, definitely not five like what Celia was trying to sell to him. Ano namang dahilan at nagsinungaling ito sa kanya. Sinadya ba nito iyon o isa lamang honest mistake? Would this confirm na siya nga ang ama ng bata? Kailangan niyang malinawan. Kailangang ipaliwanag ni Celia ang lahat sa kanya.May dala ulit siyang tinapay, kakanin at mga prutas. Binuksan ang hospital room na kinalululanan ni Celia. When their eyes met, they traded smile as greetings to one another.
‘Morning.”
‘Good morning din Sir. Salamat sa pagdalaw.” Pero kung siya lang ang masusunod ay mas gugustuhin niyang huwag na lamang itong dumalaw. Na dumistansiya na lamang ito sa kanya. Sa kanilang dalawa ng kanyang sanggol.
“Brought you fruits and kakanin,” saka ay inilapag nito iyon sa side table.
“Salamt po Sir. Hindi na po sana kayo nag-abala pa. Malaki na po ang naitulong niyo at masyado na kayong naaabala.”
“Huwag mong isispin iyon,” saka ito lumapit sa hospital bed.
“Kumusta ka na pala?”
“Okay naman na po Sir? Bukas lalabas na ‘ko.”
Samantalang si Jarred ay lilinga-linga. “Asan pala ‘yung kaibigan mong sinabi mong magababantay sa ‘yo?
“Ah, umalis na Sir. Pumasok sa trabaho. Dito siya sa ospital natulog kagabi.”
“Ah!, eh di wala kang kasama niyan?,” pag-aalala nito.
“Kaya ko naman po Sir. Hindi naman ako bed ridden. Saka pagkalabas ng trabaho ay sinasamahan naman ako ng kaibigan ko.”
“Sure ka, okay ka lang mag-isa maghapon?”
Tumango siya. “Okay lang ako Sir, huwag kayong mag-alala. And anytime na kailangan ko naman ng assistance ay may mga nurse naman na always available. Isang tawag lang,” saka nguso nito sa aparato to make nurse’s call na dumidiretso sa nurse’s quarter para sa anumang klaseng assistance na kailangan ng pasyente.
“Okay, I see,” naintindihan niya ang tinutukoy nito.
Saka niya naisip ang isang bagay na importante. Isa pang dahilan kung bakit gusto niyang makita at makausap si Celia. Nang masinsinan. “Siya nga pala, Celia. Nakausap ko nga pala ang doktor na tumitingin sa ‘yo. Bago ako tumungo rito ay pinuntahan ko siya sa clinic niya. Ang sabi niya, you are six weeks pregnant. And not five. She assured and confirmed it to me. Nagkamali ka lang ba sa bilang? O nagkamali ka lang ng pagkakasabi sa akin? O, s-sinadya mong magsinungaling?
Nabigla siya. Hindi niya inaasahan ang tinuran nito. It hardly would sink into her. Hindi pa pala ito tapos sa issue na iyon.
Patay! Akala niya ay napaniwala na niya ito sa alibi niya. At na napakadali niya itong naloko. Mali pala siya. Sobra pala siyang mali.
“S-Sir k-kasi,” she was trying to catch for words to say.
“Ba’t kailangan mong magsinungaling? Sa anong dahilan?”
“S-Sir, kahapon kasi. Sa tono ng boses niyo nang malaman niyong buntis ako ay tila naghihinala kayo na kayo ang ama ng magiging anak ko. In-assume ko lang na mas mabuting sabihing five weeks pregnant ako para matahimik at makampante kayo. For truth of the matter ay hindi naman talaga kayo ang ama ng pinagbunbuntis ko. May boyfriend ako at siya ang ama ng sanggol.”
“H-How could you be sure? Isa pa, h-hindi ba virgin ka nang magsiping tayo.”
“Y-Yes Sir, but the succeding days after that ay ipinagkaloob ko na ang sarili ko sa boyfriend ko. As alibi, I apologized and confessed to him na nagsinungaling ako sa kanya nang sinabi kong birhen pa ako. That I had experienced already at hindi ako totoong birhen. Na inakala ko lang na mas mamahalin niya ako dahil sa kaalamang birhen ako. I sincerely apologized and gladly he accepted it. At mula ng araw na iyon ay nagsisiping na kami. Almost everyday.” Kung paanong napakadali at napakagaling niyang magtahi ng istorya ay hindi niya alam.
“Well, considering. Paano ka nga nakakasigurado na siya ang ama? At hindi ako. When it practically, could still be me? Dahil pasok sa count ng pregnancy weeks mo ang gabing iyong may nangyari sa pagitan natin.”
“Sigurado po ako Sir. Sigurado ako na ang boyfriend ko ang ama ng sanggol. At sinisigurado ko rin sa inyong hindi at imposibleng kayo ang ama.”
“But your notion is not back up by science. DNA test lang ang makakapagpatunay kung sino talaga ang ama ng bata.”
“And that DNA will result to having may boyfriend as the real father. Kayat hindi na iyon kailangan.” She sounded annoyed already.
“Pero hindi pa rin iyon kasiguraduhan,” pilit pa ring pagpapaunawa ni Jarred.
“Alam ko sa sarili ko kung sino ang tunay na ama ng bata. Dahil ako ang buntis. And it’s as simple as that.”
“Intuition wouldn’t tell certainly. DNA lang ang reliable reference para matukoy ang ama ng bata.”
“Hndi na iyon kailangan Sir. Isa pa, malaki ang perang gagastusin kung sakali.”
“I’ll pay for the expenses. Gusto kong makasigurado.”
“Sir, please, huwag niyo na pong guluhin ang sitwasiyon. Maganda na ang itinatakbo ng buhay ko kasama ang nobyo ko.”
“I don’t mean to be a nuisance to you. Pero kailangan kong makasiguradong hindi ako ang ama. For if I am, willing akong I take ang responsibility as a father. Susustentuhan ko ang bata.”
“Sir, ang kulit niyo naman eh. Hindi niyo kailangang magsustento dahil hindi naman kayo ang ama ng bata. At puwede ba Sir, gusto ko ng tumahimik ang buhay ko. Ang gabing iyon ay tapos na. Huwag na nating dugtungan pa ang kaguluhang iyon. Ako lang naman ang napariwara ang buhay ng dahil do’n.” Galit-galitan siya. Nawa’y umubra para huminto na ito sa pangungulit.
He’s so frustrated. Pero ramdam niyang nagdudulot na siya ng stress kay Celia. Na hindi makakabuti sa kalagayan nito. Lalo na sa sanggol sa sinapupunan nito. Hindi man niya tanggap na intuition lang ni Celia ang pagbabatayan kung sino ang tunay na ama. Anyway, he decided rather to mellow down and step back from his argument. Ayaw niyang magdulot pa ng dagdag na stress kay Celia. At baka mapano pa ang bata. Kasalanan pa niya kung sakaling may masamang mangyayari.
Tumango na lamang siya. “Okay, if you say so.” Pero hindi siya totoong okay. At hindi siya panatag. Hanggat hindi DNA test ang magkokompirma ng lahat ay hindi siya makakampante at papanatag.
Pero ipagpapaliban na muna niya iyon. Some other time. Kung kailan ay pakikiramdaman na lamang niya. For now ay hahayaan na lamang niya muna itong magpahinga. At magkaroon ng kapayapaan ng isip at pakiramdam.
YOU ARE READING
One Intimate Night With A Billionaire
RomanceThey were invited sa bahay ng kanilang boss for her post birthday celebration. And of her entire life, sa pelikula lamang siya nakakakita ng prinsipe o kaya'y sa panaginip. And it was definitely a jaw dropping experience seeing one in broad daylight...