Bahagya siyang nahuhuli sa paglakad kay Jarred. Sinusundan niya kasi ang hakbang nito at direksiyon kung saan patungo. Nasa may bandang kanan siya nito. Saka ay lumiko sila sa may direksiyon patungong elevator’s door. Nang bumukas iyon ay lumulan sila. Pinindot nito ang second floor button tapos ay close button. Saka ay nagka-ideya siya kung saan posible ang tungo nila.
Hindi nga ba at niyaya siya nito to have lunch with him. No! Can’t be for real.
She had the feeling na sa pamosong ‘The Grand Spices’ ang destinasiyon nila. The hotel’s premier restaurant brand. Nasa second floor kasi iyon at iyon lang ang kainan sa floor na iyon. The most prestigious and awarded as michelin-star restaurant ng hotel resort. Isa sa mga ipinagmamalaki ng dp Luxe Hotel. A fusion of the words best food to offer. Mga piling putahe lang mula sa iba’t ibang parte ng mundo ang kasama sa menu. May mga iba pang restaurant sa hotel. But they held less prestige than ‘The Grand Spices.’
Hindi pa siya nakakapasok ng mismong pamosong istrukturang iyon. As in sa loob mismo nito. Hanggang labas lang ng minsang maglakad siya at magawi sa bahaging iyon ng hotel. She heard it would take a fortune to have a seat in there for a meal.
The said restaurant was at the second floor. Good thing na wala sa ground floor or else mamumutakti na naman siya ng pang-aasar ng mga kasamahan sa reception counter. Lalo’t makita at malaman ng mga itong nananghalian siya kasama ng may pinakamataas na katungkulan sa hotel—no less than Jarred. She could see them putting much color to it as well sensationalizing it just for their caprice of making fun of her.
Sa entrada pa lang ng istruktura ay namamangha na siya. It was grandeur at it’s finest. Surely the establishment was catered only for people belonging to the high society. At kung bakit siya naroon ay isang salamangka. Parang nasa isang panaginip siya. Isang nakamamanghang panaginip.
Kaiba ang design ng ceiling. Three dimensional coffered ceiling and the totally captivating pattern was made of solid wood. Very fascinating and engaging ang napaka-intricate na design niyon.
Nang makahakbang papasok sa loob, sa may entrance pa lamang ay kaagad nang mapapansin ang apat na grand chandelier sa may ceiling. They were situated hanging at some strategic area ng kisame to exude superior glam. Very fancy at magical sa mata ang effect niyon.
Sa pagpapatuloy ng paghakbang nila papasok, ay binati kaagad sila ng executive chef na nasa may entryway lang pala. How much of a VIP treatment this was, when no ordinary member of the culinary staff but the executive chef ushering them.
Iginiya na sila nito papasok. Patungo sa kanilang mesa.
Samantala ay patuloy lang si Celia sa pagmasid sa paligid. Patuloy na namamangha.
Kapansin-pansin ang accent wall na vibrant painting ng isang mytical bird perching on a tree branch. Ang pamosong ibong Adarna na napakamakulay. Samantang ang mismong loob ng restaurant ay may infusion ng greenery. Indoor plants that eliminate stress and set diners in serene and calm mood. Tables and chairs were hand crafted from solid wood. Curved by some artistic hands made from Indian rosewood.
Iginiya sila ng executive chef sa isang pribadong room. May private room pala sa high end resto na kagaya niyon para sa mga VIP. But of course, for no less than the CEO ng hotel ang kakain. Samantalang siya'y isang dakilang sampid lamang. Very strange sa pakiramdam na nasa ganoon siyang uri ng lugar.
Pinagdulutan siya ng upuan ni Jarred bago ito naupo sa kabilang seat ng table for two.
“Any food in particular?, si Jarred na pagdaka ay tanong niya kay Celia.
“Wala naman siguro kayong tuyo o itlog na maalat dito Sir?”
Bahagya siyang natawa. Saka ay umiling.
“Hindi po ako sanay sa ganitong klaseng lugar. At wala rin akong alam sa mga pagkaing sini-serve sa mga ganitong mamahaling restaurant. Kayo na lang ang bahala Sir.”
“Okay then. Let me take charge,” sabi lang nito.
“Chef,” baling nito sa executive chef na nakatayo sa tabi lamang nito. “Ikaw na ang bahala sa pagkain namin. Serve us your best food the restaurant can offer. Ayokong mapahiya kay Miss Mendoza.”
Napasinghap pa siya at nabigla sa pagcoat uncoat ng pangalan niya. She's no VIP para pag-ukulan ng pagpapahalaga. But it touched her heart with the gesture.
“Yes, Sir,” pagtalima naman dito ng head chef.
YOU ARE READING
One Intimate Night With A Billionaire
RomanceThey were invited sa bahay ng kanilang boss for her post birthday celebration. And of her entire life, sa pelikula lamang siya nakakakita ng prinsipe o kaya'y sa panaginip. And it was definitely a jaw dropping experience seeing one in broad daylight...