Chapter 24: Love and Pain

36 4 1
                                    

After almost an hour, I received a message from Zyle that he's already downstairs. Kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Happy birthday, again."

Inabot niya sa'kin ang box na dala niya. May cake 'yon sa loob kaya nagpasalamat ako.

"Okay lang ba na pumunta ako sa bahay mo? Hindi ba magagalit si Tyler?"

Napatigil ako sa tanong niya. I didn't think that far ahead. Oo nga naman, kahit sino naman magagalit kung magpapapunta ka ng ibang tao sa bahay mo, tapos kayong dalawa lang.

But, in my case, kaibigan ko naman si Zyle. At birthday ko naman. Kesa masayang ang niluto ko, ipapakain ko na lang sa kaniya.

"It's okay. Wala naman siya, hindi ko nga matawagan. At tsaka, sayang ang handa kung walang kakain."

Agad siyang na-upo sa dining nang makapasok sa bahay. Habang pinaghahandaan ko siya ng pag-kain, inililibot niya naman ang tingin sa bahay ko.

"Nakapag-picture ka na ba?"

Tanong niya sa akin habang nakatitig sa kurtina ko na may mga design.

"Wala naman akong plano."

"Halika, picture-an kita."

Tumayo siya at kinuha ang mga pinggan sa kamay ko at ibinaba iyon sa lamesa. Marahan niya akong hinila papunta sa may living room at pinatayo sa harap ng kurtina.

"Pose ka na."

Inilabas niya ang cellphone niya at itinutok sa'kin.

"While looking like this? At tsaka mamaya na lang, kumain ka muna."

"Hindi ako gutom. Ikaw dapat ang priority ngayon kasi ikaw ang may birthday."

Nagpapatigasan kaming dalawa. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang susuko. At ako ang natalo.

"Fine. Mag-aayos lang muna ako, mahal na hari."

Since nakaligo na ako kaninang umaga, nag-lagay na lang ako ng make-up at inayos ang buhok ko. I also wore a corset top and jeans para medyo maganda naman ang suot ko. Magpapalit na lang ako kapag na-satisfy na si Zyle sa mga picture. Mas excited pa siya kesa sa akin.

"Game."

Kinuha ko ang atensyon niya nang makalabas sa banyo. Napatitig naman siya sa akin saglit bago ayusin ang gusto niyong puwestuhan ko.

"Just be comfortable."

He said before taking the photo. I pose for him, and medyo nahihiya pa ako noong una pero naging comfortable rin naman.

"Wait, how old are you?"

Tanong niya matapos kumuha ng limang shots.

"22."

"I saw this video on tiktok on how to make a shadow number of your age. Para sa backdrop. Do you have paper and scissors?"

I gave him what he wanted, and he started carving out 22 on the paper. Pinatay niya ang ilaw ng matapos at hiniram rin ang cellphone ko.

"Oh, 'di ba? Galing ko."

Proud na sabi niya matapos maging successful ang plano niya.

"Wait, dapat hawak mo 'yung cake mo."

Agad siyang bumalik sa dining at inayos ang cake na dala niya. Hindi naman ito kalakihan kaya walang hirap kong nahawakan.

"Okay, game na."

He took about 10 photos bago ako mapagod sa kaka-pose. Sabay naming tiningnan ang mga pictures at pinasa niya agad sa'kin.

"Halika na, kumain ka na."

This Is Me TryingWhere stories live. Discover now