Chapter 21: Emotions

14 3 0
                                    

"You should've said na pupunta ka, Eli. Para nakapaghanda naman ako. Alam mo naman na andito mga magulang ko."

Kinausap niya lang ako nang makalabas na kami. He really made sure na hindi maririnig ng mga magulang niya ang kung ano man ang pag-uusapan namin.

"You don't have to worry, Tyler. I introduced myself as your friend. Ayoko naman i-out ka bigla sa mga magulamg mo na hindi mo alam."

I assured him. Medyo nakakalungkot lang na nasa ganitong stage pa rin kami ng relasyon namin. We're both consenting adults, but we still need to keep our relationship a secret. Wala sanang problema sa'kin kung private lang. Kasi kung private, hindi namin magtago ng ganito sa pamilya niya.

Nakakalungkot na ang laki pa rin ng impact ng past niya sa relasyon namin ngayon sa present.

"I'm sorry. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagsabi sa kanila. Hindi ko kasi alam kung paano o ano ang sasabihin ko. Natatakot akong baka kung ano isipin nila sa'kin."

He's still not confident with me, and with our relationship. Takot pa rin siya aminin sa mga pamilya niya na nagmo-move on na siya.

"It's okay. Marunong naman akong maghintay."

Pagsisinungaling ko. Kasi sa totoo lang atat na atat na akong ipaalam sa lahat na mag-jowa na kami. Pero hindi ko pwedeng gawin na walang consent niya.

Sandali naman kaming natahimik, bago ko naisipan na sabihin na ang isinadya ko rito.

"Sorry, Ty. Sa naging usapan natin kagabi."

He kept quiet. He was waiting for me to say more, probably wanting to hear my explanation.

"Sa totoo niyan, hindi pa kasi talaga ako kumportable mag-open up sa iba. Oo, boyfriend kita. Pero ilang buwan pa lang naman e. Si... si Brent, kasama ko na 'yun since childhood. Kaya mas naging madali sa'kin ang hindi magtago ng nararamdaman ko sa kaniya."

Panimula ko. Mas minabuti ko na magsabi na lang ng totoo, kahit makasakit, basta totoo. Kasi alam kong hindi lang sakit ang puwedeng kong maidulot sa kaniya kung magsisinungaling pa ako.

"Sorry kung hindi maganda ang naiparamdam ko sa'yo. Sorry kung na offend or nasaktan ka. That wasn't my intention, I swear."

Napatuwid ako ng tayo matapos niyang lumapit sa akin. Lumambot naman ang puso ko nang yakapin niya ako.

"Sorry din, kung nababaan kita ng tawag kagabi. Inuna ko ang init ng ulo, pinag-alala pa kita."

It was comforting, but still felt empty.

"Pwede next time na lang kita ipakilala ng maayos kila mama? Mukhang nabigla e."

I faked a smile.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman."

Muli niya akong niyakap, pero mabilis na lang.

"Hindi na kita maihahatid. Ingat ha."

"Sige, thank you."

Nagsimula na akong maglakad paalis. Okay na kami, pero pakiramdam ko may kulang pa. Gusto ko sana itanong sa kaniya kung ano ba ang gusto niya mangyare sa relasyon namin. Kung hanggang dito na lang ba kami. Pero napigilan ko pa ang sarili ko, ayoko kasing magalit siya at magkaroon ng continuation ang away namin.

Since wala naman akong gagawin sa bahay, mas minabuti ko na lang maghanap ulit ng panibagong trabaho para tuwing weekends may mapagkikitaan pa rin ako.

Nagbakasakali ako sa mga gas stations, mga karinderya, mga maliit na tindahan pati na rin sa mga mamahaling establishments. Kahit mababang trabaho ang makuha ko basta may sahod. Pero lahat sila walang bakante.

This Is Me TryingWhere stories live. Discover now