Chapter 22: Family

17 3 1
                                    

Lunes ng gabi, sa kalagitnaan ng trabaho ko, tinawag ako ni Ma'am Zara. Kailangan daw siyang sabihin sa'kin. Sobrang kaba agad ang naramdaman ko dahil hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali. Pero napalitan agan ng inis ang kaba ko nang malaman na gusto lang pala akong kausapin ni Zyle.

[Hello? May kausap pa ba ako?]

"Malapit na mawala, sinasabi ko sa'yo."

[HAHAHAHAHA, bakit ba ang init ng ulo mo sa'kin?]

"Paanong hindi, e nagtatrabaho ako. Tapos mapapatawag ako sa opisina, only to find out na chichikahin mo lang naman pala ako! Hindi mo alam kung paano ako kinabahan kanina."

Tawa siya nang tawa habang sinisermunan ko siya.

[Sorry, sorry. Gusto ko lang malaman kung kamusta ang pahinga mo last weekend.]

"Ay, nako, Zyle ha! Ikaw na naman pala ang dahilan kung bakit ako natanggal sa part-time jobs ko rito!?"

[Para may pahinga ka. Need mo 'yun.]

Napabuntong hininga na lang ako. Lalo na nang maalala ko na nakita niya akong umiiyak.

"Is this about that time when you saw me crying?"

[Well, yes. You were so overwhelmed by everything that you just cried in public.]

"I appreciate the concern, Zyle. And I thank you for always having my back. But, please, next time, talk to me first. I badly needed that job, and losing it both at the same time was so disappointing."

[I'm sorry. Hindi ko na inisip ang mararamdaman mo. Just rest sometimes, okay?]

"Okay. Babalik na ako sa trabaho."

Ibinaba ko na ang tawag at nagpaalam na kay Ma'am Zara. Napatingin naman sa'kin ang iba sa mga katrabaho ko. Mentally nagtatanong kung ano nangyare. Ngumiti lang ako sa kanila at ipinagpatuloy ang trabaho.

"Bakit ka pinatawag kanina?"

Tapos na ang shift namin at naghahanda na kami ni Tyler umuwi.

"May sinabi lang si Ma'am Zara. Pero hindi naman ganoon kahalaga."

Nagsisinungaling na baman ako kay Tyler. Ayoko lang na may maisip siyang iba kapag nalaman niya na si Zyle ang kausap ko. Baka maungkat pa ang pag-iyak ko sa campus.

"Sure ka ba? Alam kong sinabi mo na nag-wa-warm up ka pa sa'kin, pero ang itsura mo noong lumabas ka kanina galing sa office ni ma'am parang may masamang balita kang nadinig."

Hindi ko alam na napansin niya palang bumagsak ang mood ko noong naka-usap ko si Zyle.

Sa totoo lang kahit malaki ang pasasalamat ko kay Zyle dahil sa trabaho na binigay niya sa'kin, hindi ko pa rin maiwasan ang mainis matapos kong malaman na siya pala ang dahilan kung bakit ako tinanggal sa dalawang part-time ko. Alam ko rin na ginawa niya lang 'yun out of concern, pero sana kinausap niya muna ako.

Gusto kong magalit kanina at sigawan siya, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka ang natitirang trabaho ko rito sa restaurant, mawala pa sa'kin.

"Hindi, wala 'yun. Tungkol lang sa sahod ko para sa last shift ko sa dalawang part-time. Nalungkot lang ako kasi mas convenient 'yung dalawa kesa doon sa convenient store."

"As long as you fine,"

Hinalikan niya ako sa noo bago isuot sa akin ang helmet. Our tuesday was not that hectic, hindi masiyadong marami ang customer namin. Dahil siguro holiday at maraming establishments ang sarado at bakasyon. Karamihan kasi sa mga kumakain sa restaurant namin ay mga office workers na ayaw bumiyahe pauwi ng gutom, kaya sa restaurant na naghahapunan. Pero ngayon walang mga naka-uniform na office workers.

This Is Me TryingWhere stories live. Discover now