CHAPTER IV
Andaming gagawin, end of first sem na kasi. Dumagdag pa sa problema ko si Harri. Kasi naman, inaccpet ko ayon chat ng chat, di ko na nga sinasagot kung ano ano pa pangungulit, tanong ng tanong ng schedule ko sa class at sabay maglunch. Nakalimutan ata niya na maranao kami, bawal makita ng family ng girl na may kasama na lalaki lalo na if masyadong close at sila lang dalawa, gusto ata magpasako.
While walking sa hallway papuntang gym kasi P.E. na naman, I saw Harri walking papuntang gym rin, lumingon siya sa banda sakin at agad naman akong nagtago sa payong ko. If you are curious bakit lagi akong may payong, mainit kasi. Naglakad ako ng mabilis para maunahan ko siya, nang naramdaman kong may humila sa bag ko.
Lumingon ako sa si Harri na nakangiti. “Sabay tayo?” Tanong neto, wala akong choice kaya sumabay na nga ako. “Uwi ka na after ng P.E.?”
Tumango ako. “Malamang naman sa dito ako matutulog.” Pabalang kong sagot.
Tumawa siya at umiling iling. “Napaka pilosopo mo talaga kaya gusto kita.”
Gulat akong tumingin ako sakanya at dinuro ko siya. “Hoy ikaw, masamang biro yan. Kung pangit ang rulog mo wag mo akong idamay.”
Seryuso siyang hinarap ako. “Seryuso ako, hindi ba halata na gusto kita?”
Kumabog ang puso ko, ang bilis ng tibok nito. Pilit ako tumawa. “Walang biruan ng ganyan. Sige ka baka seryusohin ko. Naku, pag ako pa naman sumeryuso sa pag-ibig, kinakain ko ng buhay yung makikipaghiwalay at manloloko sakin.” Pilit na tawa at biro ko.
Mas naging seryuso siya. Huhuhu ano ba naman toh, sana di na ako sumabay. “Edi seryusohin mo.” Bumontong hininga siya. “Gusto talaga kita Hana, hindi pa ba halata? Gusto kita.”
Hindi ko alam isasagot ko, aba malay ko ba kung natatrip ba toh. Baka mapa ‘oo’ ako kasi kung totoong gusto niya ako same feelings lang kami.
Seryuso ko rin siyang tinignan. “Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Di porket nahahalata mo na may gusto ako sayo, you will take advantage of that at biro lang pala.”
Alam naman talaga niya. Kasi noong isang araw binibiro ako ni Hamid about me having feelings kay Harri.
Bumuntong hininga ako at nauna nang maglakad. Pero sana di ko nalang ginawa, sana pinauna ko siya. Sumigaw ba naman kuya niyo.
“I will court you!” Sigaw neto. Nanalalaki ang mata kong lumingon sakanya at sinenyasan siyang manahimik. Naku, pag narinig ng pinsan ko at sinumbong ako, baka di pa ako nakakapasok sa bahay wala na akong ulo. Please lang tumahimik ka na. At ang gonggong mas ngumiti pa. “I will court you and gain your trust, hanggang sagutin mo ako.”
Andaming nakatingin kaya lumapit na ako kay Harri. “Hindi ba nasabi ni Hamid sayo. Hindi uso ang gf bf sakin kaya tumigil ka na.” Inis na sabi ko.
“Edi magiging uso sayo pag naging tayo.” Tawa neto.
Maaga akong mamamatay sa lalaking toh huhuhu.

YOU ARE READING
Kurisa
RomanceKurisa isa a maranao word means "destiny". This is a story about a maranao couple who faces challenges and doubting if they are really "Kurisa". Short Story