CHAPTER VI
“Hana?” Gulat din niyang tanong na nauwi rin sa napakatamis na ngiti. Dahil sa ngiti na yan kaya ako nagka crush sa kanya eh. “Hana, long time no see. Kumusta? Ikaw lang nag mall? Sinong kasama mo?*
“Isang tanungan lang naman.” Biro ko at tumawa kaming dalawa. “So first, I’m fine and may mga kasama ako.”
“Sinong mga kasama mo?” Tanong niya.
“Sila Hamdi at mga bagong friends ko.” Sagot ko.
“Si Hamid? Asan siya?” Sinama ko na siya pabalik sa table. Nakita kong kunot noong nakatingin si Harri sa amin. Bumalik na naman yung inis ko, dapat umuwi nalang ako deretso nang di ko nakikita yang lalaking yan.
Tumayo agad si Hamid ng makilala niya sinong kasama ko. “Mujahid! Kumusta?” Tanong ni Hamid. Nagkamustahan sila habang ako umiinom pampakalma. Tumingin si Hamid sa amin at hindi ko alam kung sinasadya niya ba o ano dahil alam naman niyang nanliligaw si Harri sakin. “Guys, si Mujahid pala. May something sila ni Hana dati.” Muntik na akong mabilaukan sa sinabi Hamid.
“Gagi! Anong something?!” Galit kong tanong at tumawa sila ni Mujahid.
“Walang something, ex-crush lang namin ang isa’t isa and at the same time friends kami noon pa.” Kuwento neto. “We were so close dati, hindi lang talaga naging kami kasi ayaw niya.” Tawa neto. “I was even willing to tie the knot with her, but determinado si Hana na makapagtapos, so I told her I will wait but then, she cried and said no, kasi masasaktan lang daw ako kasi paano kung hindi daw ako yung para sa kanya tapos naghintay ako.”
“Anyways, dami ko nang nasabi.” Biro niya. Tumingin siya sakin at sa lahat. “I gotta go na guys. Hinihintay na ako ng misis ko.”
Umiwas ako ng tingin at nadapo kay Harri iyon. Nakatingin ito sakin na parang kinikilatis kung anong magiging reaction ko. Of course kita siguro sa mukha ko na nasaktan ako. Not really hurt na iiyak ako, may kunting kirot lang.
Umalis na si Mujahid at ang tahimik ng table namin. Bumuntong hininga si Harri at tumayo. “Let’s go guys, baka malate na tayo.” Umana na ito maglakad. I don’t know why I’m feeling guilty. Like I need to explain something.
While nasa kotse, he actually have his own car. Rich kid siya, anong palag ko. So yeah, while nasa car, walang imik mga kasama namin, nagpapakiramdaman lang kaming lahat ng magsalita si Hamid. “Baba mo muna kami sa seven eleven par may bibilhin muna kami, diba?” Tanong niya sa mga kasama ko na agad namang nagsi tanguan.
Bumaba sila sa seven eleven at kami nalang ni Harri ang nasa kotse. Walang nagiimikam samin at nakakabingi ang katahimikan. Bumuntong hininga siya. “Gusto mo ba siya hanggang ngayon?” tinignan ko siya, yung ekspresyon na ipinapakita niya ay parang masasaktan siya kung sasagot ako ng oo. Hindi ko siya sinagot.
Hindi ko siya sinagot, hindi ko rin maintindihan feelings ko. I’m trying to weigh my feelings if meron pa ba and look at Harri. That’s when I realized kung ano talaga yung nararamdaman ko.
YOU ARE READING
Kurisa
RomanceKurisa isa a maranao word means "destiny". This is a story about a maranao couple who faces challenges and doubting if they are really "Kurisa". Short Story