CHAPTER VII

0 0 0
                                    

Chapter VII

“Wala.” Sagot ko. “Oo nasaktan ako, pero hindi dahil gusto ko siya kundi dahil nasaktan ako dahil nasaktan ko siya.” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Di ko nga alam bat nagpapaliwanag ako sayo. Tapos nagagalit ka pa, parang kasalanan ko pa.” naluluha na ako sa inis, frustrate at hindi maintindihan na dahilan. “Hindi ko rin alam ba’t iniwan nila ako dito, bawal toh, baka makita nila ako, ayoko pa naman magalit sila sa akin.” Umiiyak na ako. Eh kasi naman.

Narinig ko ang malalim na paghinga niya. “Sorry okay? Sige balikan na natin sila Hamid.”

Bumalik kami sa seven-eleven para kunin sila Hamid ulit. 

Kinabukasan, bumalik naman kami sa dati, parang walang nangyari kasi bumalik sa pangungulit si Harri. “Sige na, pumayag ka na.” Pangungulit niya.

“Ba’t ba kailangan ako pa? May mga classmates ka naman na mga babae ah, ako pa trip mo.” Nakakainis, nakakainis, tinutuyo ako ngayon, aba kayo lang ba nireregla? Ako rin naman ah, kaya mas nabubuwesit ako sa lalaking toh. Karatehin ko kaya toh.

“Matagal na kitang trip.” Sabay kindat pa niya kaya inirapan ko siya ng bonggang bongga. Sarap lampasuhin! Tinikom niya yung bibig niya at nag act na ‘zip you mouth’ sabay peace. “Pero sige na Hana, ayoko sa kanila. Payag ka na ipahawak ako sa kanila? Payag ka non?” Parang nanghahamon pa ito.

“Aba matutuwa pa ako, baka palakpakan ko pa kayo. You want me to throw a party na rin?” Hirit ko. “Ayaw mo mag pahawak sa kanila tas sakin ka hahawak lakas mo rin. Nakakalimutan mo atang maranao ako boy.”

Tumawa siya. “Hindi naman ako hahawak talaga. Yung sakto lang na makita kunwari sa camera na nakahawak tayo sa isa’t isa. Naiimagin ko pa lang bagay talaga tayo.”

Kung gusto niyo malaman ano trip niya itanong niyo na lang sa kanya, char. Gusto kasi ng kuya niyo na ako ang partner niya sa MV project nila, syempre pogi kaya siya ang pinili. Nagchat nga rin sakin leader nila na pakiusapan siya na makipag cooperate kasi ayaw daw niya sa mga kasama nilang babae, di daw siya papayag ko hindi ako kaya kinuha nila yung fb name ko kay Harri para ichat ako.

Aba malamang sa malamang hindi ako pumayag. Luh, kahit gusto ko pa yang lalaking yan may pride ako noh.

“Sige na Hana. Please.” Pagmakaawa niya. “Pagbigyan mo na ako malapit na birthday ko oh.” Yes, malapit na birthday niya at plano niyang lumabas kami at ng mga kaibigan niya at kaibigan ko.

Tinitigan ko siya ng matagal at ngumisi ako, may plano ako. “Sige, pero sa isang kondisyon.” 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KurisaWhere stories live. Discover now