CHAPTER III
Nasa food court ako, kumakain ng breakfast-lunch ko. While scrolling in facebook, I received a friend request and muntik ko na sabihin sa kaharap ko sa table na ‘wala ka neto’ sa sobrang kilig ko. Kilala niya na ata sinong nasa friend request ko. Si Jungkook, charett. Si Harri.
Di ko muna agad inaccept syempre mapaghahalataan tayo, bago lang kasi yung friend request like 3 minutes ago, maghintay tayo ng mga 3 minutes ulit, char. Paabutin natin nga mga 1 hour.
While eating and staring at the friend request, binabantayan ko lang baka bawiin.
“Hana.” Gulat akong napatingin sa harap ko kasi si Hamid at Harri pala, ngumit si Harri sakin kaya umiwas ako ng tingin. Ilang ako guys ha, di ko kaya, ikaw kaya makaharap ng napaka pogi. “Ikaw lang kumakain, libre ka namana.” Sabi neto, inirapan ko lang siya. “Dito ka lang Harri? Maghahanap ako ng kakainin ko.” Tanong nito kay Harri.
Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Hamid. Isama nalang kaya niya, awkward kami dito pag iniwan niya si Harri.
Tumango si Harri kaya mas nanlaki pa mata kong tumingin sakanya. Ano trip neto. “Una ka muna, susunod ako.” Sabi ni Harri. Gusto kong maiyak sa sagot niya, hindi nakakatuwa huhuhu.
Di nalang ako nagsalita at kumain nalang ulit. Unti unti kong inangat ang ulo ko para silipin kung ano ginagawa niya. At nagsisi ako, mga teh, pakidelete po ang lalaki na toh sa harap ko. Nakatitig siya kaya mas lalo akong di mapakali.
“Hana.” Sabi niya at agad naman akong napatingin sakanya. Para tuloy akong pet neto, isang tawag lingon agad. Natawa siya sa reaction ko kaya kumunot ang noo ko at pabiro ko siyang inirapan na mas lalo siyang natawa. May sakit ata toh. “Ano nga ulit real name mo?” Nakangiti niyang tanong.
“Luh, nahanap mo fb name ko with a complete name kulang nalang lagyan ko pa ng edad ko tas itatanong mo ano nga ulit real name ko?” Pabirong inis na sagot ko.
Tumawa siya. “Wala lang, maganda yung tunog ng pangalan mo. Hanaya.”
Hala, please lang, walang ganyanan. Sasabog ata pisngi ko kaya para maitago ko yun sinagot ko siya. “Syempre maganda ako kailangan maganda din pangalan ko, quits lang ganon.” Biro ko, ngumiti lang siya kaya nahiya ako kaya agad kong sinabi na “biro lang yun ha, wag mo seryusohin, baka sabihin mo apaka assumera ko naman.”
“Totoo naman ah.” Sagot niya. Kunot noo ko siyang tinignan with an expression na ‘na alin ang totoo? Na assumera ako?’ tumawa siya at sinabing. “Na maganda ka.”
Nanlalaki ang mata kong simabi ko sakanya na “Hoyy, lakas ng tama mo, sinisira mo araw ko. Naku, pumunta ka na nga kay Hamid. Kulang ka ata sa tulog tas gutom ka pa ata, ikain mo yan panigurado mawawala amats mo.” Sagot ko.
“Ayoko, gusto ko dito lang ako.” Sabi niya pa, may pa pout pout pa kuya niyo oh. Hala, di ko inexpect na malakas pala amats neto, sabagay paano sila magiging magkaibigan ni Hamid kong nonchalant lang toh.
“Di ka aalis?” Tanong ko at umiling naman ito. “Bwes, ako ang aalis.” Sabay layas ko doon. Narinig ko na tumawa siya kaya inirapan ko lang. Kairita.
“Accept mo na ako, wag mo nang ipa isang oras.” Sabi niya. Eh? Bakit alam biyan ipapaabot ko ng isang oras yun? May amats nga talaga siya huhuhu. Pangit niya ka bonding, apaka pula naman ng watawat mo men.

YOU ARE READING
Kurisa
RomansaKurisa isa a maranao word means "destiny". This is a story about a maranao couple who faces challenges and doubting if they are really "Kurisa". Short Story