CHAPTER V

1 0 0
                                    

CHAPTER V

Its been 2 months at nanliligaw nga lolo niyo, lahat lahat na ginagawa ko para iwasan siya. Inawaya ko na siya’t lahat, ayaw talaga. 

Tulad ngayon, nandito kami nila Hamid at nung mga kaibigan ko sa mall kumakain ng French Fries. Libre daw niya kaya yung nga kasama kong uto uto pinagpalit ako sa libre. Planado toh eh, kasi since di ako pumapayag na dalawa lang kami sinama niya si Hamid at mga kaibigan ko.

Tumabi siya sakin kaya dumistansya ako, aba’t matigas talaga ulo ng kuya niyo at lumapit parin kaya inirapan ko siya. Bahala na nga siya sa buhay niya, nakakapagod makipag bangayan.

Kumain ako ng french fries at my goodness this is my favorite. Napangiti ako habang kumakain ng fries, french fries is my most favorite in the world. Hindi ko alam paano nalaman ni Harri na favorite ko yung french fries, hindi na ako magtataka. Tinignan ko yung mga kaibigan ko na sakanila galing yung mga impormasyo kung bakit alam ni Harri ang schedule at mga gusto ko.

Ngumiti sila sakin kaya inirapan ko lang sila, makakain na nga lang. Habang kumakain napapangiti talaga ako nawala ang ngiti ko nong nakita kong nagvivideo at nagpipicture si Harri. Aagawin ko yung cellphone ng iawat niya ito sa akin. “Akin na yan.” Sabi ko.

Tumawa siya. “Kiss muna.” Galit ko siyang tinignan kaya agad niyan binawi. “Joke lang.” Pilit na tawa niya at nagpatuloy nalang akong kumain. Ako nalang magdedelete nun. 

Yes me, since binibigay niya sakin phone niya sometimes, feeling boyfriend siya ganun. Tatayo na sana ako at bibili ng maiinom ng hilain niya yung bag ko at pinigilan ako. “Antrip mo? Masisira mo na mga bag ko sa kakahila mo. Kung gusto mo ng bag ko hingiin mo nalang wag mo sirain.” Inis kong sabi.

“San ka pupunta?” Nangingiti niyang tanong.

“Bibili ako.” Sagot ko. Tas binigyan niya ako ng tingin na ‘ng ano?’ “Bibili ako ng maiinom.”

Tumayo siya. “Ako na.” At umuna na siya. Sumama parin naman ako para tignan ano pa pwedeng kainin. Tumitingin ako ng makakain nang tumingin ako kay Harri may kausap siyang babae. Biglang pumait yung mood ko.

Ha! Nakalimutan ko na, pulang watawat pala toh. I walk past them at hindi man lang ako napansin ng kuya niyo kaya nag salita na ako. “Asan yung tubig?” Binigay niya sakin yung tubig at bumalik sa pakikipag usap sa babae.

Padabog baman akong umalis doon. Bwesit siya!

Umupo ako at nagpatuloy kumain, ampait naman ng french fries na toh. Nakita ko siyang papalapit at dahil sa inis, tumayo ako at nagpaalam na mag C.R. umalis na ako bago paman niya ako maabutan.

Paglabas ng C.R. ay may nakabangga ng bag na hawak ko kaya nahulog ito. Ano bang meron sa bag ko?!

Inis kong tinignan kung sino at nagulat ako ng makira kong si Mujahid. If you’re asking who is he, ex-mutual crush ko siya nung grade 10.

KurisaWhere stories live. Discover now