Ken as your posessive ex husband (part 2)

285 7 0
                                    

Part 2

NAKARATING kami sa probinsiya, dinala kami ng katulong sa maliit na kubo dito. At sumalubong saamin ang matandang babae.

"N-nay!"tawag sakanya ng katulong

"Anak!"agad niya sinalubong ang anak niya at niyakap.

"Sino sila? D ka nag sabi na pupunta ka at may dala kang bisita" nakangiting sabi ng nanay niya.

"Ahh, sila po ung anak ng amo ko sa maynila..."sagot ng babae na kasama namin.

"Ah sige pasok po kayo, pasensiya napo kayo at maliit lamang ang aming bahay"sabi niya

"ayos lang po..."sagot ko

"Nay, sila po ung magulang ng bata"

Nanlaki ang mata ng matanda at tumingin saakin.

"Naku...kayo pala ang magulang ng gwapong bata na yon..."Sabi ng matanda

"N-nasaan po ung anak namin?"tanong ko

"Ay naku, mukhang nandoon sa mga kalaro niya, sandali at tatawagin ko"Lumabas ang matanda kaya napatingin ako kay ken, gustong gusto ko na makita ang anak namin.

Hinawakan ni ken ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan ako sa noo.

Maya maya lang may pumasok na bata dito na madungis at pero hindi matatago ang makinis at maputi nitong balat, malusog na bata ang dumeretso sa lamesa upang uminom ng tubig. Maya maya ay napatingin ito saamin.

Mula sa pag kakaupo ko, napaluhod ako sa sahig habang titig na titig sa batang nasa harap namin ngayon.

"Lola, who are they?"tanong ng bata

"Dey ar yur parents "sabi ng matanda

Tumingin samin ang matanda "pagpasensyahan niyo na po kung englishero ang batang ito, nako... Eh lumaki po kase sa mayamang pamilya ito..."Sabi ng matanda.

"It's ok"sagot ni ken at lumuhod din sa tabi ko.

"Lapitan mo ang parents mo dali"sabi ng matanda habang nakangiti.

Dahan dahan namang lumapit ang bata saamin, hindi ko na napigilan ang luha ko ng mayakap namin siya.

MAYA MAYA

"Pasensiya na ho kayo, napamahal sakin ang bata kaya ang hirap pakawalan...nako..."Tumingin ang matanda sa anak namin na ngayon ay nag lalaro ng lumang laruan.

Nasabi samin ng matanda na walang pangalan ang anak namin ng dalhin sakanya ng anak niya.

Hindi na niya din nabigyan ng pangalan dahil ang hirap daw mag isip ng pangalan na babagay daw sa itsura ng anak namin dahil nga maputi at makinis to at gwapo din.
Bagay na nakuha niya sa ama niya.

"It's ok, we're thankful actually dahil...napunta sa pangangalaga niyo ang anak namin. Kaya mag bibigay po kami ng malaking halaga na pera, para din po sa pasasalamat namin. At wag po kayo mag alala, dadalaw dalaw po kami dito ng anak namin pati ng asawa ko..."inakbayan ako ni ken.

"nako, maraming salamat...minahal ko talaga ang bata na yan...kahit mahirap kausapin dahil english ang lengguwaheng ginagamit"natatawang sabi ng matanda.

"Mauna na po kami"sabi ni ken at tumingin sa anak namin.

"baby...let's go?"tanong ko sa bata at nilahad ang kamay ko sakanya.

Tumingin ang bata sa matanda, tumango naman ang matanda habang nakangiti kaya hinawakan ng bata ang kamay ko.

Tumingin ako sa babae na kasama namin kanina at nag pasalamat.

SB19 AS YOUR [All genres are here]Where stories live. Discover now