Tula 1

1.3K 33 1
                                    

Paglisan

Kung ako'y lilisanin mo na,
Kuhanin lahat ng alaala
Mapasaya o malungkot
Huwag lang maiwanan ng poot

Lahat ng naging sumpaan
Isama sa iyong kahon
At lahat ng ating litrato
Na ating iningatan at itinago

Kung ako'y lilisanin mo na,
Tatanggapin sa aking makakaya
Kahit na luha ay dumadanak
Magsasawa rin ito sa kakapatak

Kung ako'y lilisanin mo na,
Huwag mo nang patagalin pa
Mahal na mahal kita
Ngunit ako'y ubos na ubos na

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon