Tula 8

256 3 0
                                    

Dalawang Salita

'Ayoko na' ang sinabi mo isang araw na magkita tayo
Dalawang salita, dalawang salita na nangangahulugang iiwan mo na ako
Dalawang salita na nagpaguho ng mundo ko
Dalawang salita lamang, ngunit bakit ganoon kalakas ang epekto nito?

Pero kung tutuusin, dalawang salita rin naman ang 'Mahal kita' at 'Kailangan kita'
Ngunit mahal, bakit hindi iyon ang dalawang salita na napili mong sabihin sa akin?
Bakit sa dinami daming salita, bakit 'Ayoko na' ang napili mo?
Tinalo ng dalawang salita ang mga libong salita na sinabi ko sa iyo 

'Ayoko na' na nangangahulugang pagod ka na
Pagod ka nang intindihin ako at kung ano ang meron tayo
Pagod ka nang makinig sa mga walang kwentang kwento ko
Pagod ka nang makita ang pagmumukha ko sa araw araw na ginagawa ng Diyos
Pagod ka na, sawa ka na

'Ayoko na' na nanganghulugang tapos na
Tapos na ang maliligayang araw na magkasama tayo
Tapos na ang mga tawanan at iyakan,
Tapos na at kailangang itigil na ang kabaliwang ito
Tapos na, tama na

'Ayoko na' na nangangahulugang hanggang dito na lamang,
Na ang dating walang hanggan ay natunton na ang hangganan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon