Tula 7

543 10 0
                                    

Galit at Sakit

Galit na galit ako
Noong iwanan mo ako
Gumulo ang tahimik kong mundo
At tila nawalan ng saysay kung bakit nabubuhay pa ako

Alang ala ko pa rin ang pait ng kahapon
Mga bagay na hinding hindi ko maitapon
Noong sinabi mong, "mahal kita"
Mahal mo ako ngunit ngayo'y nasaan ka?

Galit na galit ako
At sobrang nasasaktan dahil sayo
Noong umalis ka nang walang paalam
At kahit kailanmay hindi na nagparamdam

Galit na galit pa rin ako
Hindi sayo ngunit sa sarili ko
Dahil sa kabila ng sakit na idinulot mo,
Handa pa rin akong mahalin ka ng totoo

Bumalik ka na sana

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon