Tula 5

600 20 1
                                    

Ayoko

"Mahalaga ka" iyan ang sinabi mo
At ako naman si tanga, naniwala
Ngunit napagisip isip ko,
Ayoko pala maging mahalaga

Hindi naman ako isang relo
Na titignan mo lang kapag ika'y nagmamadali
O kapag ika'y naiinip nang maghintay
Ayokong maging mahalaga

Hindi ako isang sapatos
Na gagamitin mo lang pag ika'y wala nang masuot
O di kaya'y gagamitin lang pag malinis at walang lumot
Ayokong maging mahalaga

Alam mo ba kung anong gusto ko?
Gusto ko iyong mahalin, kailangan ko iyong mahalin
Gusto kong marinig ang mga salitang "mahal kita"
Hindi iyong sinasabi mo na "mahalaga ka"

______

This poem was inspired by Juan Miguel's Ang Huling Tula na Isusulat Ko Para Sayo. :)

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon