Tula 4

683 18 2
                                    

Tuwing Umuulan

Umuulan, umuulan
At heto ako, iniisip kung ika'y nasaan
Ang lakas ng ulan
Kasing lakas at bigat ng aking nararamdaman

Sa panahong ganito, naiisip ko
Nasa isip mo kaya ako?
Habang kumakain ka, naiisip mo ba kung nakakain na rin ba ako?
O habang nakatingin ka sa kalangitan, naiisip mo ba kung masaya o malungkot ako?

Naiisip mo ba iyong mga araw na magkasama tayo?
Iyong pakiramdam na masaya at walang pakielam sa iba
Naiisip mo kaya kung baka bukas, wala na ako sa tabi mo?
Ano kaya ang gagawin mo?

Kung tatanungin mo, tuwing umuulan,
Ikaw ay nasa aking isipan
At oo, nakakahiya mang aminin
Hindi lang tuwing umuulan pero lagi kitang iniisip at iisipin

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon