Tula 2

944 22 1
                                    

Estranghero

Isang babaeng wasak sa pagibig
Isang lalaking masayang humihimig
Estranghero sa isa't isa
Ngunit isang araw ay pinagtagpo sila

Isang babaeng takot magtiwala
Isang lalaking wala nang mahihiling pa
Magkaibang magkaiba
Ngunit sila'y itinadhana

Isang babaeng muling ngumiti
Dahil sa lalaking nasa kanyang tabi
Hinihiling na sana'y di ito matapos
Ngunit wag umasa ng lubos

Isang babaeng umibig
Sa lalaking mahilig magpaibig
Ngayo'y bumalik sa simula
Estranghero muli sa isa't isa

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon