Tula 3

781 24 2
                                    

Natatakot ako

Natatakot ako na baka isang araw, wala ka na
Na paggising ko, hindi na kita makakasama
Natatakot ako na hindi na muling mahawakan ang kamay mo
O marinig ang boses mo

Natatakot ako na hindi na masilayan muli ang mukha mo
At ang titingnan ko na lang ay ang iyong litrato
Natatakot akong mawala ang pinagsamahan natin
Na mapunta sa wala lahat ng alaala na binuo natin

Natatakot akong sumugal
Dahil alam ko kung saan ako lulugar at ayoko maging sagabal
Kaya sinasabi ko sayo, natatakot ako
Kaya magtitiis na lang ako sa kung anong meron tayo

Paper Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon