Day 1 (C1)

34 1 0
                                    

Leary's POV

"Tangina! First day of classes late ako? nakakabwisit!" unang lumabas sa bibig ko nang malaman kong 6 am na pala.

7 am kasi nagsisimula ang klase namin.

"Leary! Teka lang!" sigaw ni ate nang palabas na ako ng bahay.

"Bakit uniform ko suot mo?"

"h-ha?" tumingin ako sa damit ko nang napagtanto kong mali ang nakuha kong uniform sa sampayan, puta!

///

Leary Alerie nga pala, transfere student sa Monarch Academy. Katakot, paano kung ako lang ang nag-iisang transfere doon?

"Ang lawak naman nito" bulong ko sa sarili ko.

///

Gale's POV

Sandali kong tinitigan ang Academy na 'to, grabe akala mo palasyo.

Nang papalayo na ako sa main door of the Academy, may biglang nakabunggo sa 'kin.

"Sorry." habang nakasimangot.

Wow? ikaw na nga nakabangga ikaw pa 'tong acting cold at nakasimangot ngayon? galing.

"Sana next time, tignan mo nilalakaran mo." pagtataray ko sa kaniya. Bigla naman itong yumuko at umalis.

"Pwe, bastos."

///

Craeji & Nami's POV

"Bilisan mo!" sigaw ni Craeji kay Nami habang sabay na tumatakbo papuntang main door.

Sa gitna ng kanilang pagtakbo, biglang natumba si Nami. Napaluhod naman si Craeji dahil sa hindi mapigilang tumawa at ngayon ay humalakhak na.

Inirapan ito ni Nami at umalis.

"Teka lang, gago!" mura ni Craeji kay Nami.

Huminto si Nami at pinakyuhan si Craeji.

///

Franchezka's POV

Akala ko ba first day of classes ngayon sa Academy, bakit mag isa ko lang sa room na 'to?

Tinignan ko ang cellphone ko at natawa na lang ako dahil sobrang tanga ko, napagtanto ko na 7 am pa pala ang simula ng mga klase at 5 am pa lang nandito na ako.

"Bwiset."

Si early bird.

///

Yehirah's POV

Hindi ko na alam kung saang banda na ba ako ng Academy na 'to. Tama ba mga desisyon ko sa buhay? Pocha.

Naglalakad ako ngayon sa isang hallway at may nakasalubong akong babae.

"Ah, miss? anong floor yung room 24 at saan yung hagdan dito?" tanong ko. Bigla nitong inusisa ang katawan ko mula ulo hanggang paa, grabe? p'wede ka na maging scanner, ate.

Natulala na lang ako nang lumakad ito papalayo sa akin na parang walang nangyari, bastusan?

"There's no stairs in this Academy, there's only elevators. Go back to the main door of this Academy and when you see a frame with a female holding her cup, you can see the sign pointing where the elevator is. Room 24 is in the 5th floor, you can see the big statue and besides it is the room you're looking for." rinig kong sambit nung isang lalaki sa likod ko.

The 13 PetsWhere stories live. Discover now