Supremes (C4)

10 1 0
                                    

Leary's POV

Pagkatapos naming kumain at magtawanan na halos wala nang bukas, nagpuntahan na kami sa sari-sarili naming kwarto.

6 O'CLOCK IN THE MORNING —

"Buti walang klase ngayon." bulong ko sa sarili ko.

Binukas ko ang bintana malapit sa higaan ko, wala pang araw pero nagliliwanag na, ang kagandahan ko.

HAHAHAHAHAHA, paka oa.

Ganda ng tulog ko kagabi kaya siguro ganitong oras ako nagising. Gising na kaya ang iba sa amin?

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa CR, naiihi na ako e, bwiset.

"Teka lang!" sigaw ng nasa loob nito nang kumatok ako. Kilala ko ang boses na 'to, minu-minuto ba namang kadaldalan.

"Bilisan mo Fitz! punyeta, naiihi na ako."

"Teka nga eh!"

Ilang minuto ay bumukas din ang pintuan, lumabas si Fitz na nakahawak sa tiyan.

"Annong nangyari sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Takte, sakit ng tiyan ko." sagot naman nito.

"Ilang baso ba naman ng coke ang nilaklak mo kagabi, siraulo ka." pagbibiro ko rito, totoo naman kasi, kasama niyang uminom si Kaya ng hindi mabilang na basong may laman na coke sabay kain ng pizza. Nagtataka pa talaga e 'no.

Masama lang itong tumingin sa akin at dumiretsong kusina.

Pagkatapos ko, dumiretso rin ako sa kusina. Nadatnan kong nagluluto si Knox at sa malapit na mesa ay nakaupo si Fitz habang nagcecellphone.

"Galing, cellphone lang pala katapat sa nananakit mong tiyan." biro ko ulit sa kaniya.

"Shh, may binabasa ako" ani naman nito.

"Masakit tiyan mo? bakit hindi mo sinabi sa akin at makabili ng gamot?" pag-aalalang tanong ni Knox at napahinto sa niluluto niya.

"Wala 'to, tay." natatawang sagot naman ni Fitz habang nakatingin sa cellphone niya, bwisit hahahaha.

"Ha?"

"Para ka kasing tatay hahaha. Hindi, seryoso, mawawala rin 'to, konting pahinga lang. Magluto ka na lang diyan."

"Tell me if anything hurts, okay?"

Grabe, napaka concern naman nitong si Knox, parang tatay nga haha.

"May kailangan pa ba gawin, tay? Tulungan kita." pagbibiro ko kay Knox at natawa naman ito.

"Tigilan niyo nga akong dalawa, aga aga e. Also, kaya ko na 'to. Gisingin mo na lang yung iba at makapagsalo-salo tayong lahat."

Tumango naman ako rito at kumatok sa mga kwarto ng iba pa naming kasama.

Nagising ko naman ang lahat.

"Amoy ah! ano 'yan pre? sarap" unang lumabas si Kuro.

Ilang minuto pa ay lumabas na ang iba at naka upo na kaming lahat sa harapan ng mga masasarap na pagkain.

"Alam mo ba Knox, galit pa rin itong si Gale sa 'yo." ani ni Fitz habang kumakain.

"Nagsorry naman ako sa 'yo, 'di ba Gale?" tanong naman ni Knox.

"Nagsorry ka nga pero nakasimangot." sabay rolled eyes ni Gale.

"Okay, sorry. I was just having a bad day that time." seryosong sambit ni Knox.

Hindi na lang umimik si Gale.

"Oy, baka kayo end game ah!" pagbibiro ni Kuro.

sabay "Ayiehhh!!!" ng lahat.

"Nakaka offend" pagbibiro ni Gale.

Tumawa naman si Knox.

"Quits na tayo ah?"

Kagaya ng kagabi, puno na naman ulit kami ng tawanan at biruan ngayon.

Damn, I've never experienced this before.

///

"Ugh, ang boring." sambit ni Craeji habang nagpagulong gulong sa carpet.

"Same, I was having that thoughts kanina pa. What to do, guys?" ani naman ni Yseult.

"Anyway, where did those three go?" dagdag nito.

"Who?" tanong ni Yehirah.

"Sino? yung tatlong Supremes?" sabat ni Kuro.

Napatingin kaming lahat sa kaniya.

SUPREMES SILA???

"HA?!" sabay sabay naming sigaw, eh kasi naman. Kasama namin ang tatlong supremes sa iisang ROOM? tatlo pa talaga sila.

"Oh. My. Gosh." sambit naman ni Gale.

"Ang oa, ano naman kung supreme sila?" tanong ni Kuro.

"Siraulo ka ba? nasa matataas na ranggo 'yang mga 'yan." saad naman ni Fudge habang nage-mml sa tabi niya at nakikinig sa usapan namin.

"Ay, oo nga pala 'no? President yung tropa natin." pagsasang-ayon nito.

"Tangina, ano?!" malakas na mura ni Craeji at mabilis na napaupo.

"OH TO THE M TO THE G!!!" ulit ni Gale.

Wala na akong masabi sa mabilis na pangyayari.

"Sinong tropa?" tanong naman ni Nami.

"Si Knox." sagot ni Kuro.

Napatingin kaming lahat sa kaniya pati si Fitz ay napahinto sa binabasa niya.

"Si tatay yung president?"

"Sinong tatay na naman 'yan punyeta, may anak yung president!?" naguguluhang tanong ni Gale habang ako ay itinatago ang tawa.

"Hindi! para kasi siyang tatay— pero anyways, WHAT THE ACTUAL FUDGE?"

"Teka gagi, rank game 'to." ani naman ni Fudge.

The 13 PetsWhere stories live. Discover now