Paulo's point of view
"Ang bangoooo!" bulong ko sa aking sarili ng maamoy ang aking niluluto. Katatapos ko lang iprepare ang tocino at sunny side up eggs, at ngayon ay nagsasangag ako gamit ang natirang mantika mula sa pinaglutuan ng tocino.
Sinigurado ko na magigising ako ng maaga ngayon araw upang makapagluto. Gusto ko kasi na pag gising ni Mang Goryo ay may nakahain nang almusal. Pambawi ko din sa kanya dahil baka hindi siya nakakain ng hapunan kagabi.
At para na din may ibabaon akong lunch sa opisina ngayon.
Habang nagsasangag ay hindi ko naman maiwasang mapangiti. Tila ba isa akong may bahay na pinaglulutuan ang kanyang mister na ngayoy mahimbing na natutulog.
Nang matapos ako sa pagsasangag ay inayos ko lahat ng pagkain sa isang tray at dinala sa aking kwarto. Ipinatong ko ito sa desk katabi ng Mang Goryo upang kapag nagising siya ay makikita niya agad itong niluto ko.
Hindi ko din kinalimutan ang magtimpla ng kape at inilagay iyon sa isang thermal flask upang hindi agad lumamig.
Nang makitang okay na ang lahat ay nagsimula naman akong mag-ayos para pumasok. Nagsuot ako ng isang navy blue ng long sleeves, itim na semi-skinny na jeans, at ang aking paboritong chuck taylor.
Pagkarating ko sa opisina ay nabigla ako nang maabutan ko si Kuya Glenn na naglagay ng kape sa aking lamesa.
Umakto akong normal na tila walang nangyari sa pagitan namin kagabi.
"Magandang umaga, Sir Paulo! Tamang tama nandyan na po kayo, pinaghanda ko kayo ng kape para meron kayong lakas ngayong umaga. Alam ko naman na lagi kayong naghahanap ng kape tuwing nadating kayo dito sa opisina" anito.
Ngumiti ako at nagpasalamat. "Thank you, Kuya Glenn! Ikaw nagkapag kape ka na ba?"
"Opo! Nakapag kape na po ako pagpasok ko kanina. Ang sarap nga po ng tulog ko kagabi eh, salamat po sa inyo.hehe" tila pang-aasar nito.
Nagbigay ako sa kanya ng tipid na ngiti.
"Nga pala, Sir Paulo. Pinuntahan ako ng isang empleyado ng accounting kanina, may tinatanong tungkol sa mga dinedeliver na supplies sa atin para dito sa opisina. Meron yatang problema."
"Huh? Ano daw ang problema?"
"Hindi ko po sigurado eh. Wala naman po silang binanggit pero pakiramdam ko lang ay may problema dahil ngayon lang naman sila nagtanong tungkol sa mga delivery natin dito. Chineck din po nila yung logbook kung sino sino ang mga kumukuha ng supplies"
Nagtaka ako sa kanyang sinabi dahil wala naman nag-eescalate sa akin ng anuman tungkol sa mga supplies.
"Sige, Kuya Glenn. Wag mo na iyong alalahanin. Ako na makikipag-usap sa accounting at magtatanong kung ano ang gusto nilang malaman. Baka nalito lang sila sa ilang mga bagay"
"Sige po, Sir Paulo. Basta wala po akong inuuwing supply natin ah. Lahat po ng delivery ay dinadala ko agad sa storage at pantry natin. Wala po akong inuuwi na kahit ano. Baka kasi kung ano na ang iniisip nila sa akin" medyo nangangambang sambit ng aming maintenance.
"I know. Naniniwala ako sayo. Matagal na tayong magkasama dito kaya pinagkakatiwalaan kita. Wala kang dapat ikatakot, okay?"
"Sige po, Sir. Baka kasi bigla uli akong tanggalin ni Maam Hershey kapag nalaman niya ang tungkol dito. Wala naman kasing ibang maintenance dito sa opisina kundi ako lang, kaya ako ang maaring pagbintangan kung sakaling magkaroon ng problema diyan sa supplies"
"Wag ka mag-alala, maliit na bagay lang ito. Ako nang bahala" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Salamat, Sir Paulo" anito at sinuklian siya ng ngiti. "Nga po pala, espesyal ang ginamit kong gatas diyan sa kape ninyo. Sana magustuhan po ninyo.hehe" nagtaka ako sa sinabi nito ngunit mas nagtaka ako ng makita siyang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Paulita, Ang Baklang Puta
General FictionSi Paulo, o tawagin natin sa pangalang Paulita, ay isang bakla. Mahahalata mo agad ang kasarian nito dahil sa kanyang kilos na mahinhin at malumanay. Pagdating naman sa pananamit ay mas gusto nitong magsuot ng damit panlalake dahil hindi siya kump...