Chapter 13

1.8K 33 2
                                    

Paulo's point of view

Alas singko ng hapon ng matapos ang aking meeting kasama ang accounting. Napag-usapan namin ang aming mga gagawin upang ivalidate ang mga malalaking gastos ni Hershey sa mga client meetings at pati na din sa mga hindi makitang supplies.

Lalabas na sana kami ng office ng biglang pumasok si Hershey sa loob ng conference room.

"So what is this meeting all about?" medyo mataas na tono nito. "Did you think that I wouldn't find out about this?"

Kita ang pagkabigla at takot sa ilang staff ng accounting kaya sinabihan ko sila na lumabas at iwanan kami ni Hershey sa loob ng conference room.

Tumikhim ako at nagsalita. "Nakarating kasi sa akin na medyo malaki ang mga reimbrusements mo lately"

"Ano naman ngayong kung malaki? Eh lahat naman iyan ay approved ng CEO natin? Hindi ka na dapat nangingielam sa mga bagay na inapprove na ng CEO" mariin na sambit sa akin ni Hershey.

"Gusto lang namin iensure na hindi nagkakaroon ng overspending sa pera ng kumpanya"

"Walang overspending na nangyayari dahil lahat ng ito ay investment para sa mga big clients na ipinapasok ko sa kumpanya natin"

"I just called our legal department, as of today, wala ka pang nacoclose ng client"

Napakunot ito ng noo at tila nainis.

"At sino may sabi sayong icheck ang mga ganyang bagay?!" mataas na boses nito. "Una sa lahat ako ang boss mo kaya hindi mo dapat ako bina-bypass. Ano ba naman na ako muna ang tanungin mo tungkol dito at hindi ka nagpapameeting kaagad kung kani-kanino?"

"Tsaka baka nakakalimutan mo na ako ang Deputy Manager dito at Admin Supervisor ka lang. I have all the rights to do and decide whatever I want without explaining it to you" dagdag nito.

"Bakit? Na-offend ka ba na may mga requests ako na hindi pinapaalam sayo at dinederetso ko sa CEO? Well, sorry to say, pero wala ka nang pakielam dun. Tandaan mo, bisor ka lang at ako ang manager dito. Ako ang boss mo at nasa ilalim lang kita" mariing sambit nito.

Hindi ako nakapagsalita at tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

May ginawa ba akong masama? Masama ba na maging concern ako sa kung paano ginagastos ang pera ng kumpanya?

"I am so offended with this, Paulo. So offended. I will make sure that this will be escalated to our CEO. You won't get away with this, I will make sure of that" mariin nitong banggit bago padabog na lumabas ng conference room.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan habang nanginginig. Sa tagal ng aking pagtatrabaho dito ay ngayon lamang ako nagkaroon ng ganitong di pagkakaunawaan.

Bigla akong nakunsensya dahil tila nagpadalos dalos ako sa aking desisyon.

Tama si Hershey, dapat ay siya muna ang tinanong ko bago ako nakipag meeting sa accounting at makipag-usap sa legal department. Dahil at the end of the day, boss ko pa din siya at ako ang staff niya.

Dapat ay may harmony kami sa trabaho.

Huminga ako ng malalim at bumalik sa aking opisina.

Biglang bumigat ang aking pakiramdam.

===

Pagkauwi ko ng aking unit ay naabutan ko si Mang Goryo na relax na relax sa panonood ng basketball sa TV.

Naninigarilyo ito habang may hawak din na bote ng beer. Mukhang marami-rami na itong nainom dahil nagkalat ang mga boteng walang laman.

Napatingin ako sa paligid at tila binagyo ang lugar dahil sa gulo. Nasa lamesa ang mga pinagkainan nito, nagkalat din sa lapag ang ilang mga damit na pinaghubaran, pati na din ang ilang mga balat ng chichirya na kanyang ginagawang pulutan.

Paulita, Ang Baklang PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon