Paulo's point of view
Lumipas ang mga araw at naging abala ako sa gaganaping anniversary ng aming kumpanya, at pati na din sa mga regular na admin duties na aking ginagawa.
Madaming mga suppliers at contractors ang kumocontact sa akin upang mag-submit na kanilang mga proposal para sa aming event. At para hindi ako mastress ay sinabihan ko sila na isend na lang ang kanilang mga proposal sa aking email at isa isa ko itong titingnan at pag-aaralan.
Bukod sa aking trabaho, hindi din maalis sa aking isipan ang sinabi ni Mang Goryo nung nakaraan. Na ihanda ko daw ang aking sarili ngayong Byernes ng gabi dahil mamamaga ang aking lalamunan at maging ang butas ng aking pwet dahil sa sorpresang kanyang inihanda.
Sinubukan ko siyang pilitin na sabihin sa akin kung ano ang kanyang sorpresa ngunit nginingisian niya lamang ako at hindi sinasagot.
Wala ring nangyari sa amin noong gabing binilhan ko siya ng kanyang mga personal na gamit dahil sinabi niya na magpahinga lang ako dahil babawian niya ako ngayong Byernes.
At ngayong nga ang araw ng Byernes.
Tumingin ako sa orasan at nakitang tanghalian na.
Nagdesisyon akong huwag munang sumabay sa aking mga kaibigan at lumabas na lang upang mag lunch out mag-isa. Paraan ko rin kasi ito upang mag 'Me Time.'
Lumabas akong opisina at bumaba ng aming building.
Dahil nag-cecrave ako ng Japanese food ay nagpasya akong magpunta sa paborito kong Japanese restaurant. Umorder ako ng Katsu Curry Rice, dalawang Karage, at isang Coke Zero.
Pagkabayad sa cashier ay pumwesto ako sa isang single table at sinimulang kumain. Napakasarap talaga ng Katsu Curry dahil malasang malasa ito, sabayan pa ng malaman at malinamnam na Karage.
Habang sumusubo ay may pamilyar na pigura ang lumapit sa akin.
"Kuya?" tanong nito na tila kinukumpirma kung ako ang kanyang nakita.
Tumingin ako sa direksyon ng boses at nakita ang aking kapatid na si Pia. "Oo, ikaw nga Kuya!" masayang sambit nito at yumakap sa akin.
"Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba sina Mommy at Daddy?" tanong ko habang natingin sa paligid.
"Hindi ko sila kasama, Kuya. Tsaka I'm here for a business meeting. Pauwi na dapat ako kaso nagutom ako at nag-crave sa Japanese food so I went here. Hindi ko naman inexpect na nandito ka din"
Naglabas ako ng tipid na ngiti.
"At dahil nandito na rin naman tayo parehas, okay lang ba na sumabay ako sayo?" at dahil wala naman akong nakikitang masama ay tumango ako.
Nagtungo ito sa pila at nagorder na ng kanyang pagkain. Mabilis itong naka-order at nakapag bayad kaya naman agad itong nakabalik sa aking table.
Tumapat ito sa akin at sinimulan na din ang pagkain.
"Kamusta ka, Kuya? Pasensya na if hindi kita nakausap nung huli nating pagkikita. Si Papa kasi napaka-OA ng-" pinutol ko ang kanyang sasabihin.
"I'm fine and it's fine. What can I expect from him? He's the most homophobic person that I met" ani ko.
"Hindi naman sa ganun, Kuya. May rason naman si papa kung bakit ganun siya umakto. If you will only know the reason, for sure maiintindihan mo siya"
Tila ba tumabang ang aking paboritong katsu curry.
"Alam mo kanina ang sarap nitong pagkain ko, ngayong dumating ka parang pumakla na ang lasa" ani ko.
BINABASA MO ANG
Paulita, Ang Baklang Puta
Genel KurguSi Paulo, o tawagin natin sa pangalang Paulita, ay isang bakla. Mahahalata mo agad ang kasarian nito dahil sa kanyang kilos na mahinhin at malumanay. Pagdating naman sa pananamit ay mas gusto nitong magsuot ng damit panlalake dahil hindi siya kump...