Chapter 9

3K 39 5
                                    

Paulo's point of view

Back to normal.

Yan ang tanging naibulong ko sa aking sarili pagkagising ko kinabukasan. Kahit papaano ay maayos na ang aking pakiramdam gawa na rin siguro ng aking mahabang tulog at pahinga.

Sa totoo lang, masakit pa rin para sa akin kung aalalahanin ko ang naging sagutan namin ni Daddy at ang mga ginawa niya sa akin noon, pero dahil ilang taon ko rin iyon dala dala, I just learned how to live with it.

Besides, hindi naman pwedeng huminto ang buhay ko dahil lang sa hindi tanggap ng pamilya ko ang sekswalidad ko. My life should go on!

Tumingin ako sa aking cellphone upang tingnan ang oras at kung may notifications ba ako. At ng makitang wala ay bumangon na ako ng kama upang simulan ang aking araw.

At dahil Linggo ngayon at nakapaglinis na rin ako ng buong unit kahapon, ay nagdesisyon akong maglaundry. Meron dito sa baba ng condo na laundry station kung saan magbabayad ka lang at pwede mo ng isalang ang mga damit mo at idry na rin.

Mukhang marami-rami na rin kasi pala ang mga marurumi kong damit kaya kailangan ko ng maglaba.

Humugot muna ako ng anumang pagkain na meron sa ref bilang almusal, at pagkatapos ay naligo at nagsuot ng pambahay na damit- maikling shorts at tshirt na may nakalagay na "Gay and Proud."

Nang ready na ako ay inayos at sinalansan ko na ang aking mga lalabhan. Naka isang punong tray ako ng maruruming damit.

Binuhat ko ito at lumabas ng unit upang dalhin na sa laundry station.

Habang naghihintay ng elevator ay bigla akong may naalala.

Hala si Mang Goryo! Saan kaya iyon nagpunta? Kumain na kaya ng almusal iyon?

Nagtungo muna ako sa parking area at sinilip kung andun ang kanyang kotse, ngunit wala na ito roon. Napakibit balikat na lang ako at muling nagtungo sa elevator upang dumeretso na sa laundry.

Pagpasok ko ay agad akong binati ng dalawang staff doon. Inabot ko na sa kanila ang aking bayad upang makapagsimula ako ang maglaba.

Inilagay ko ang unang batch ng mga damit sa loob ng laundry machine at pinaikot na iyon. At dahil medyo matagal ang oras ng pagpapaikot sa mga damit ay naupo muna ako sa bench sa may harap nito. Kinuha ko ang aking phone upang mag browse ng aking facebook at instagram. Pinost ko ang mga kuha kong selfies and food trip mula sa Tagaytay trip kahapon at umani agad ito ng maraming likes.

Napangiti ako.

Nang matapos isalang ang unang batch ng damit ay sinunod ko ang ikalawa at huling batch.

Muli ay naupo muna ako at nag browse ng internet habang naghihintay.

Hindi ko namamalayan ang oras at natapos na pala ang aking mga labahin. Inayos ko ang mga nilabhan ko sa dala kong tray at binuhat binuhat pabalik ng aking unit. Pumasok akong muli ng elevator at akmang sasara na itong ng biglang may kamay na sumulpot sa gitna kaya naman bumukas uli ang pinto ng elevator.

Si Mang Goryo. May bitbit itong isang malaking duffle bag at backpack.

"Anong dala niyo bakit ang dami niyong bitbit?" taka kong tanong.

"Dinala ko na mga gamit ko para diyan ko na ilalagay sa bahay mo. Tutal diyan na rin ako titira kaya kinuha ko na mga gamit ko sa apartment para naman makaalis na ako dun. Ang liit liit at init dun."

Napataas ang isa kong kilay.

"At sino namang may sabing pumapayag akong sa bahay ko na ikaw tumira?"

Paulita, Ang Baklang PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon