XII - Instagram Story

7 0 0
                                    

Matthew

"Totoo! Naging kami ni Matthew. Diba?" Nagtatawanan kami currently dahil ayaw maniwala ni Issa na naging kami ni Michelle.


"Believe it or not, yes." Natatawa kong sabi. Hindi siya makapaniwala.



"Nagtagal kayo? Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Issa. Nagkatinginan naman kami ni Michelle at she smiled.



"A month." Then she took a sip sa beer niya. Nandito kami ngayon sa beach malapit sa restaurant nila. Kasama namin si Issa ay ang boyfriend ni Issa na taga rito rin na si Vincent.



"Isang buwan lang? Bakit?" Nagkatinginan ulit kami ni Michelle. Natatawa pa siya pero ako, my smile faded. Naalala ko nanaman ang taong hindi ko na dapat maalala pa. It's Gabby.



Gabby's the reason bakit hindi kami nagtagal ni Michelle. When we were in college, I was stupid and had girls left and right at isa si Michelle doon. I'm not proud of it but I used her to drive Gabby away from me pero I didn't know na the next thing na gagawin ko ay ang kulitin siya dahil lumayo nga siya sakin. I did everything para tigilan na ako ni Gabby but when she finally gave up on me, hindi ko kinaya and I did everything to win her back again.




"Kilala mo yung girlfriend niyang maganda, diba? Yon ang reason." Nandilat naman ang mga mata ni Issa.



"Niloko mo pinsan ko, Sir?" Natawa naman kaming dalawa ni Michelle. Pinalo naman ni Michelle ang braso ni Issa.




"Sira! Hindi niya ako niloko. Yung fiancé niyang maganda na sinasabi mo, yun talaga ang gusto ni Matthew. Pinagseselos niya lang." Sabi ni Michelle and I agreed. Maybe, that's the best and probably the easiest explanation dahil sobrang complicated ng mga pinaggagagawa ko before.




"Ha? E bakit hindi mo na lang niligawan." Napatawa na lang ako and then sighed. She's the kind of person na hindi titigil sa pagi-interrogate hangga't di niya nalalaman yung buong story. So I've decided na ikwento nang buo sa kanya ang story namin ni Gabby.



While telling the story, nag flashback nanaman sakin yung mga nangyari noon. First year college kami, Gabby approached me if the seat's taken with her friend Janelle. Naging partners kami and hindi nagtagal, naging close kami. Love at first sight, indeed. At hindi ako nagsisi na siya ang first love ko. She's a great catch. Hindi lang siya maganda, matalino at mabait pa. She puts others first before her. She's a follower of God and she's very family-oriented. Naiku-kwento niya rin kasi yung family niya before kaya naman alam na alam ko na mabait at masunurin siyang anak. From the moment I saw her up to this day, naniniwala pa rin akong siya lang ang babaeng mamahalin at papakasalan ko. We're gonna grow old together and have a wonderful family. Kahit she broke my heart, siya pa rin ang gugustuhin kong makasama sa habang buhay.



"Sir, e paano kung hindi kayo para sa isa't-isa?" My smile faded. Hindi ko pa naiisip yan. Kahit na nakipaghiwalay na sa akin si Gabby, hindi ko naisip at hindi sumagi sa isip ko na hindi kami para sa isa't-isa. She broke up with me but I know she loves me. Yan ang ifini-feed ko sa utak at puso ko pero ngayon, para akong sinampal ng reality. Paano nga kung hindi kami para sa isa't-isa?



Ang daming questions na pumasok sa isip ko when Issa asked me that.

Magmamahal pa ba ako ng iba?

Kaya ko bang magmahal ng iba?

Kaya ko bang hayaan na lang si Gabby na mapunta sa iba?

Wala ba akong pwedeng gawin para kahit break na kami, hindi mangyari yan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Guy Who Loves Me (The Guy Who Doesn't Like Me Book 2)Where stories live. Discover now