Chapter 2: LOVE?!

201 4 0
                                    

"sino nga" Sabi ko ng pasigaw.

"oh galit? easy ka Lang" sagot naman Niya.

"alam mo kung wala kanang sasabihin na matino Goodbye!" binaba ko na at hinagis ko yung phone ko sa kama. humiga na ko nang biglang mag vibrate Ulit phone ko. unknown Ulit. "hello?"Sabi ko.

"hiiiiiii" Sabi Niya.

"Ikaw nanaman? ano ba?! pede ba?! wala akong panahon para sayo kaya please leave me alone!" sigaw ko Ulit at binaba. nilagay ko yung phone ko sa gilid ng unan ko. Maya Maya nag vibrate Ulit. "ano ba?! Hindi mo ba talaga ako titigilan?! nasan ka! papatayin kita! ano sagot!" Sabi ko.

"Anne?" Nagulat ako sa boses na narinig ko. napaupo ako at napalunok sa lalamunan.

"oliver?"tanong ko.

"bakit parang galit ka yata?" tanong niya habang tumatawa.

"ah wala. bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko naman.

"gusto ko lang mag sori sa kanina hindi na ko nakapag goodbye sayo kasi..."

"hep hep. tama na okay lang alam ko naman na nagmamadali ka. sige tulog na ko goodnight"sabi ko.

"goodni..." hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. pinatay ko na. humiga ako at tumingin sa kisame. bakit ganon? parang ang liit liit lang nabagay bigla na kong nagalit sakanya.

makalipas ng ilang oras at di ako makatulog lahat na ata ng angolo na pwesto nagawa ko eh. naisipan kong itext si oliver.

"hi" txt ko. wala pang ilang minuto at nag reply na siya. 

"hello anne. bat gising ka pa anong oras na ah." reply niya. 

"hindi ako maka tulog eh. uyy sori nga pala kanina ah badtrip lang talaga ako."  

"ah ayos lang yun, bakit ka ba badtrip?"  

"may nangloloko kasi sakin. tumatawag siya tapos di naman sinasagot :/ kabanas kaya" 

"sino yan?! gusto mo upakan ko na?" dun sa sinabi niya napangiti ako ewan ko kung bakit. 

"hahaha (sarcatic voice) parang ang laki laki naman ng katawan mo no :p" 

"uy wag ka, kahit ganito katawan ko malakas ako tska habulin. :D" 

"oo, habulin ka talaga sana ng aso! haha!" 

"che! haha o siya sige na matulog ka na love" 

"love?! anong love?! kung sipain kaya kita!" 

"bakit ayaw mo ba nun? yun nalang tawag ko sayo, sige na goodnight love :**"

hindi ko na siya nireplyan. love? bakit niya ako tatawaging ganon? at bakit ganito yung nararamdan ko? bat ako biglang sumaya? at nakaramdam ng butterflies sa stomach ko? o siya bukas na nga lang matutulog na lang ako.

***********kinabukasan***********

haaaay papasok nanaman. tumayo na ko at nagayos. pagkatapos ko gawin ang aking everyday routine. kinuha ko yung phone ko, bag and books tska ako bumaba. habang nag lalakad ako sa hagdan namin naririnig ko na boses ni oliver. iisa lang kasi school namin.kinuha ko agad phone ko at nag pretend na nag tetext. pag ka baba ko.

"HI LOVE!" sigaw ni oliver. napatingin sila mama at papa kahit si kuya sakanya.  

"love?" tanong ni kuya kay oliver.  

"oo. love. bakit? yun tawagan namin eh, di ba love?" sabi niya sabay kindat sakin. 

"oo nalang" sabi ko sakanya.  

Love Chance (Oliver Posadas Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon