Chapter 2: Casting

342 14 2
                                    

Krisantha's Pov:

Arghhhh! Ang sakit ng katawan ko! Ano oras naba?

7:30?!

Shucks! Late nako?! Omg! Ang call time e 8:00 am! Mag-aayos pa ako and kakain pa ako!

Lagot ako nito kay Beth! Bangon self!

Bumangon agad ako at inayos ang kama at bumaba nadin "Mommy?" hanap ko sa nanay ko "Buti naman gising kana? Diba may shooting kayo ngayon?" saad nito, shucks! Hindi ko ata nasabi kay mommy kung anong oras ako gigisingin!

"Hindi ko po pala nasabi sayo mommy, ligo po muna ako kasi late na po ako" sabi ko ditk at pumasok nadin ng banyo "Nako! Bata ka! Natulog ka kasi kaagad kagabi e" rinig kong sabi nito mula sa banyo

Naliligo na ako pero nagtataka ako bakit parang.. wala dito sa bahay si Jerome? Hindi din ba siya nagising?

Dinalian ko na lang maligo at lumabas agad ng banyo, umakyat nadin ako para magbihis. Walang kain-kain dahil mamaya mabubusog naman ako sa sermon ni Beth and Cydric.

"Kumain ka muna anak bago ka umalis!" sigaw ni mommy mula sa baba "Opo mommy!" sigaw na pabalik ko

Nagbibihis nako, I wore what Nayeon from Twice wear sa kanilang I Can't Stop Me na music video dahil ako ang gaganap ng part niya. Habang nagbibihis ako naririnig ko yung cellphone ko na tila sasabog na sa dami ng nag-memessage and for sure sila Beth to kaya mas dinalian ko pa.

After some minutes, tapos nako magbihis. Bumaba na ako para kumain. In our table there's a ham, tocino, bacon, and fried rice. I just ate fried rice and my favorite tocino. I quickly brush my teeth at pumunta ulit sa taas para mag-makeup naman.

But, before I do that I just quickly message Beth dahil mukhang super malalate talaga ako

From: Krisantha
To: Beth

Bes, sorry agad. Late po ako nagising dahil nadin sa pagod sa practice natin kahapon but I won't make it as an excuse dahil pare-pareho lang din naman tayong pagod. Pls pls so sorry, I am currently doing my makeup pagkatapos nito pupunta na din ako dyan.

Sent.

Sana it would do but for sure naiinis na sila. Anyway, makeup time na. Gagayahin ko lang yung makeup ni Nayeon during I Can't Stop Me era para makuha ko talaga yung vibes niya. Pati na rin pala yung hair.

Maalam naman ako sa pagmamakeup and pag-aayos ng buhok kaya madali nalang to sakin.

After 20 minutes, natapos na din ako at bumaba na ako ng sala. Inayos ko lahat ng gamit ko at nagpaalam nadin kay mommy "Mommy, aalis na po ako" paalam ko dito "Wala ba si Jerome? Ang sabi niya sakin siya daw maghahatid sayo don?" tanong nito sakin ngunit wala akong masagot "Baka may nangyari po kaya hindi niya ako nasundo" tanging saad ko na lamang. Humalik nako sa pisngi nito at lumabis nadin ng bahay.

Actually, kung itatanong nyo sakin anong nararamdaman ko.. siguro malungkot and kinda dissapointed? kay Jerome. Hindi man lang siya tumawag or nag-text to inform me na hindi siya makakapunta. Jerome never leave me like this, lagi siyang may reason kapag hindi siya nakakapunta sa usapan. Na-hurt lang ako but for sure may acceptable reason naman si Jerome. Hintayin ko nalang siya.

After so many struggles, nandito na ako sa Luneta Park.. hinahanap ko nalang sila.

Medyo hulas nako pero nagmadali na akong hanapin sila Beth dahil 9:00 na at 30 minutes nakong late. After some minutes, nakita ko nadin sila. Nakaupo sa ilalim ng puno, kita ko sa mukha nila ang pagod sa paghihintay.

LOST CONSTELLATION (BINI)Where stories live. Discover now