Chapter 1

24 6 14
                                    

Ano nga ba ang dahilan bakit nagtatransfer ang mga estudyante?

Lumilipat ng bahay?

Ayaw ng patakaran sa school na pinapasukan?

Pangit ang record kaya pina-alis ng guro?

O binubully ng mga kamag-aral, kaya nagtatransfer ito?

Si Maraiah Jane Jivenez ay Senior High School, graduating student na. Nag-transfer siya sa bagong school dahil pina-aral siya rito ng kaniyang tiyahin. Mahirap lamang ang buhay niya, sapat lamang ang kanilang pera para sa kanilang pamilya lalo na at graduating siya, maraming gastusin sa pag-aaral lalo na sa tuition fee. Kaya napagpasiyahan nilang kuhain muna si Aiah ng kaniyang tiyahin para pag-aralin ito sa isang magandang University.

Pumayag naman ang mga magulang ni Aiah at natuwa ito dahil sa kabutihang loob ng tiyahin nito. May kaya ang tiyahin ni Aiah, ang kaniyang tiyahin ay si Tita Bela. Mabait ito at masiyahin, gustong-gusto niya si Aiah dahil sa katalinuhan nito at kabaitan. Si Tita Bela ay nakatatandang kapatid ng nanay ni Aiah. Mag-isa lamang sa bahay at walang anak. Kaya ganun na lamang ang pagkagiliw niya sa kaniyang pamangkin na si Aiah.

Si Aiah ay may isang kapatid na lalaki. Magkakasama silang pamilya sa isang simple na bahay. Kaya naman nilang pag-aralin si Aiah kaso nahihirapan na sila dito sa panggastos sa mga bayarin kaya ang tiyahin nalang ang nagpa-aral dito.

Lalo na sa katalinuhan ni Aiah ayaw nilang sayangin ang talento nito kaya pinag-aral nila ito sa magandang University. At ito ay ang Lincoln High University.

Sa pagtransfer ni Aiah ay may mga makakasalamuha siyang magiging hadlang sa kaniyang pag-aaral, magpapatalo ba siya dito o lalabanan niya ang mga ito. Hindi lang siya matalino at maganda, siya ay matapang at hindi basta magpapatalo.

_________

Aiah's POV

Helloooo guyssss! hehe welcome to my life! alam niyo na story ko? wala pa 'yan hindi pa lahat 'yan, marami pa kayong hindi alam sa'ken. Hindi pa sinasabi ni author lahat hehe. Joke lang baka magalit.

Ako nga pala si Maraiah Jane, inshort Aiah! pinangalan sa'ken 'yan ni mama at papa. Ang pangalan kasi ni papa ay Marco at si mama ay Raiah kaya pinagsama Maraiah hehe. At ang kapatid ko naman ay Raihmar. 'o diba parang binaligtad lang HAHAHA.

Nakapagtransfer na'ko sa bagong school dahil si Tita Bela na ang nag- asikaso ng aking requirements. Marami siyang kilala dito, sinamahan ko lang siya sa pagpasa. Hindi naman ako masyadong late dahil kasisimula palang naman ng klase, kakalipat ko lang din ng school. Mga nasa 3 weeks na nag-start kaya marami-rami akong hahabulin. Manghihiram nalang ako ng lectures sa magiging seatmate ko 'dun.

Naglalakad na ako ngayon para pumasok sa room namin. Naka-uniform and small bag lang ang aking dala. Nakatali ang buhok at simple lang ang ayos.

Ang course na kinuha ko pala ay Educ. Gusto kong magturo sa mga bata, dahil gusto kong ituro sa kanila ang aking mga natutunan, teaching is my passion. Ang sabi nga nila "Teaching is the one profession that creates all other professions" Kami ang dahilan kung bakit sila nagiging Doctor, Pulis, Engineer, Architect, at iba pang mga trabaho na professionals. Kaya yon ito talaga ang pinursue kong course.

Malapit na ako sa sinabing room ng registrar kanina, anlayo ah parang dulong room na yata ito. Ang tataas ba naman ng school na'to

Pagkarating ko 'dun ay malayo palang ang iingay na ng mga estudyante, grabe talaga mga bata ngayon, hindi mapakali sa upuan, dapat ay mag- aral o magbasa sila, ang iingay 'e. 

"Woooo! sapakin mo sige!"

"Kaya mo 'yan, wala takot!"

"Stop! Ano ba!"

Hate Me, Love MeWhere stories live. Discover now