Aiah's POV
Nakauwi na ako ng bahay, mabuti na lamang at wala pa naman si Tita Bela. Pumapasok kasi 'yun sa trabaho niya. Pero pauwi narin siya.
Nagpalit na ako ng damit ko at naligo. Tiningnan ko ang noo ko, at nilagyan ko ng ice para lumiit. Sakit parin huhu.
Pagkatapos kong gawin lahat ay dumiretso na ako sa baba upang magluto ng hapunan namin.
May nagdoorbell. Si Tita na yata 'yun.
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
"Oh, Aiah andito ka na pala." ngiting sabi sa akin ni Tita.
Niyakap ko siya at bineso.
"Yes po Tita hehe, kauuwi ko lang din po." sagot ko naman.
"Ganon ba, kumain kana ba?" tanong niya sa akin.
"Hindi pa po, pero magluluto na po ako Tita." sagot ko naman dito.
"Oh, tulungan na kita. Pagod ka sa school 'e. Musta pala sa school Ais, maayos naman ba?" tanong niya ulit sa akin.
"Oo naman po Tita hehe, okay naman po. Manghihingi nalang po ako ng mga lectures sa mga prof. ko sa nakaraang mga discussion nila." sagot ko.
Mahirap na 'pag sinabi kong unang pasok palang bully agad ang ginawa sa akin sa school. Ayoko naman na mag-alala sa akin si Tita at baka palipatin pa ako ng school ulit. Nagpapasalamat na nga akong ipasok niya ako sa magandang University.
Mamimili pa ako ng iba, hindi na 'no. Basta makapagtapos ako sa pag-aaral at makapagtrabaho, okay na'yun at makakatulong na ako sa pamilya ko. Kailangan ko lang magsipag at 'wag pansinin ang mga walang magawa sa buhay na guguluhin lang ang nananahimik kong mundo.
Kabanas mga lalaking nambubully sa'ken.
Next time nga, magsasama na ako ng aso para kapag lumapit sila sa'ken bigla nalang silang kakagatin at may rabies pa. Isang kagatan lang ligwak sila.
Pero hindi naman pwede magdala ng aso sa school na'yon. University pa man din. May mga nag-aaral pa naman na mayayaman don.
Pero 'wag ka. Sa ibang school na nakita ko. Private school 'yon. May mga aso na may lahi tsitzu ba tawag don. Ayon, pagala-gala sa buong school, andami nila. Tas nagkakalat ba naman ng tae at ihi sa gitna.
May naglilinis 'don na mga maintenance sa school, 'pagkalinis nila biglang may ihi ng aso. Kaya no choice nilinisan ulit. Yung aso naman patay-malisya lang na patakbo-takbo.
Mga facilitator yata may-ari non o kaya yung president ng school nila.
Ganun sana pwede magdala ng aso para maisama ko at matulungan ako sa mga lalaki na nang-aano sa'ken. Pero bawal yata.
"Okay Ais, ako'y napagod sa pagtatrabaho. Tara na at makapagluto na tayo." sabi ni tita.
Pagkatapos naming magluto ay inihanda na namin ito sa hapag-kainan at kakain na kami.
Niluto namin ay sinigang. My favorite hehe. Palaging niluluto sa akin ni lola ko. Favorite naming dalawa 'yan.
Namiss ko tuloy agad si lola ko huhu.
Habang ngumunguya ako ay biglang napahinto si tita at kunot-noong nakatingin sa'ken.
Tiningnan ko naman siya ng nagtataka at nakatingin siya sa noo ko. Noo?
Halaaa
"Anak ija, ano'ng nangyari sa noo mo? bakit may bukol 'yan?" kunot-noo niyang tanong.
YOU ARE READING
Hate Me, Love Me
RomanceThis story is about a girl student who transferred to a new school and will meet students who will change her life, who used to be quiet and simply focused on studying and being a good student. All of that will change when she encounters the boy who...