Aiah's POV
Pagkalabas ko ng classrom ay dumiretso ako sa canteen, malamang ay dito sila magsisipunta dahil break time ngayon.
Humanda talaga sa'ken yang lalaki na'yan. Kung siya man ang nang-utos sa mga mokong na nambato sa'ken. Lagot talaga siya.
Nakakainis, nananahimik lang ako na nag-aaral, nabato pa! ayan tuloy may maliit na bukol ako sa noo huhu. Ansakit kaya. Sila kaya lagyan ko ng ganito 'no?
Nakasunod sa akin itong Sean na'to, 'di ko alam kung kakampi ko ba'to or dun siya sa mga kaklase niya 'e.
"Pakisabi d'yan sa Master niyo, tigil-tigilan niya ang pantitrip nila sa'ken at hindi ako natutuwa." seryosong banggit ko sa kaniya.
"Oo, pagsasabihan ko 'yan na exempted kana lang sa pantitrip nila sa'yo" sagot naman niya sa'ken.
"Ha? anong exempted, ibig sabihin may iba pa silang tinitrip bukod sa'ken?" kunot noo kong sabi sa kaniya.
"Oo, ganun talaga sila, sumasama nga rin ako sa kanila 'e hehe."
Napapikit ako sa kaniyang sinabi, pare-parehas lang pala talaga sila. Hindi lang pala sa'ken pati sa ibang estudyante dito.
"Pero sa'yo hindi syempre, 'di ako sasama sa pantitrip nila sa'yo, simula nang makita kita. Nahulog na'ko agad hehe." ngiti niyang sambit habang nakahawak siya sa kaniyang dibdib.
Abnormal.
"Pare-parehas lang kayo, kung ganyan kalang din naman katulad sa kanila. Huwag mo na'kong sundan. Naiirita ako." kunot noo kong sabi dito.
"'Wag ka naman ganyan, gusto ko lang tumulong at makipagfriend sa'yo." pangtatanggi niya.
"Bilisan mo at hanapin na natin yung lalaki nayon at makausap ko na." sagot ko naman sa kaniya.
"Okay hehe, ang ganda mo." ngiting sambit nito.
"Ewan ko sa'yo." sagot ko naman. Nanggigil na'ko dito 'e.
Bata-bata pa 'e feel ko mas matanda ako dito. Dapat inaate nalang ako neto 'e.
"Mag-aral ka muna, totoy totoy palang 'e." pambabara ko sa kaniya.
"Ako totoy? No, porket maliit lang ako totoy na agad? Pwede na'kong magkagf 'no, gusto mo ikaw?" sambit niya habang taas baba ang kaniyang kilay.
Nilakihan ko lang siya ng mata.
"Wala pa akong time sa mga ganyan, nag-aaral pa'ko, pabigat kana nga sa magulang mo, pang-ggf pa aatupagin mo." kunot noo kong sabi sa kaniya.
"Hindi 'no, ako nga daw ang baby boy nila, ibibigay daw nila whatever I want, kaya kung sino gusto ko ibibigay nila hehe." ngiting sambit niya.
"So?" sagot ko.
"Kaya pati ikaw ibibigay nila hehe." nakangit niyang sabi habang nakahawak na naman sa dibdib niya. Feel na feel?
"Manahimik ka jan." sagot ko naman.
Naglalakad parin kami, anlayo naman ng canteen dito.
"Saan naba banda yung canteen niyo?" tanong ko sa kaniya.
"Ayan malapit na tayo baby." sagot niya sa'ken.
YOU ARE READING
Hate Me, Love Me
RomanceThis story is about a girl student who transferred to a new school and will meet students who will change her life, who used to be quiet and simply focused on studying and being a good student. All of that will change when she encounters the boy who...