"Di naman si Freydah yan eh! Si Kali yan eh!" Lumapit naman samin si Freydah dahil dinig na dinig niya kami.
"Government name talaga?!" Bineso niya kami at nung ako na ay para akong natunaw eme.
"Picture kayo!" Mas excited pa mga kasama namin kesa samin. Dmfudgejsjsj ang saya ko!
"Kumusta ka naman." Very casual naman itik.
"Ikaw ang kumusta! Namiss naman kita!" I hugged him so tight! Sobrang namiss ko naman siya.
The whole midnight ay sakaniya lang ang paningin ko. The whole midnight siya lang ang may ari ng mga mata ko. This feels so good.
"Humanda kana pag lumabas ang Drag Competition na pinanggalingan niya, ang dinig ko ay napaka galing ng kapatid ko." I'm with Raign right now eating breakfast sa gilid ng Euphoria.
"Lagi naman siyang magaling." I said. But deep inside me is scared na paano kung sumikat na siya and he no longer know me. That shit scares the fuck out of me na hanggang sa pag uwi ay iniisip ko pa rin.
Buong week ata ay yon lang ang nasa isip ko. Nagpaka busy ako. I have a gift sakaniya! It was an artwork for her. I hope she likes it. Nanonood ako ngayon ng live niya.
"Ay Ciara nakita ko yung ginawa mo for me! Ang ganda niya! Kilig ako. Kelan kayo uli magpupunta rito?" I froze for a second bago mag type na sa birthday na kami ni Ciena pupunta.
"Yey! Malaman laman yan ah! See you!" My heart! Alam na alam niya talaga paano ako kunin.
Ilang weeks lang ang dumaan at birthday na ni Ciena.
When we get in there, pumwesto na kami sa pwesto namin at hinintay na mag start ang show nila. When the show starts, my eyes was just looking at her.
"Hoy hi raw!" When I looked at Freydah, she was waving at us. Umiiwas kasi ako ng tingin muna sakaniya baka mapansin na sakaniya lang ako nakatingin eh, papansin pa naman yon eme.
Hinintay ko na bumaba siya sa usual na binababaan nila para maiabot ko yung artwork. Nang makababa siya ay pinastay ko siya kung asan siya at kinuha ko na yung gift ko sakaniya.
"Freydah!" Inabot ko sakaniya yung paperbag at nang kunin niya ang laman ay kita sa mukha niya ang tuwa. Ginaya niya ang pose niya sa artwork na yon.
"Ang ganda! Akyat ko lang ah." Natuwa naman akong natuwa siya.
Ibinigay rin si Ciena ang regalo niya kay Ghail. Inabot naman ni Ghail ang kanya. Nag exchange gift lang talaga sila.
Ghail gave Ciena a complete set of her merch. Ang swerte ni bakla.
Days passed and my heart is fulfilled. 1 week after Ciena's Birthday was my birthday.
Clau, Ciena and Thea wait til 12am to greet me.
Thea even have a mamon and candle.
"Blow mo na mare." Nag wish ako then I blow it. Wish ko ay batiin niya ko.
When I woke up, sinend nila sa'kin ang mga video greetings from those people na nagmamahal sa'kin. But Freydah was not there. Buti pa si Reese.
My day went smooth except the fact na hindi niya pa ko binabati. Sa gabi pa naman celebration ko, celebration as in puntahan siya. Pero may family celebration muna ako before that. Dinala ko sila sa samgyup place na malapit samin at there when my birthday fell apart.
"Ka birthday mo pala yung twin ni Fel." Ciena said sa video call namin.
"Weh? Paano mo nalaman?" Sinend niya yung screenshot na binati siya ni Freydah through Instagram story. Oh.
"Wait may sumasakit sa'kin ay puso ko pala 'yon." I don't know but that time, parang bumigat yung nararamdaman ko.
When I got home, masama na ang pakiramdam ko pero pinush ko na puntahan si Freydah even I'm in so much pain. Physically and emotionally. I don't know but it hurts. Knowing na kinukulit siya ng friends ko to send a video greetings for me pero di siya nag send.
"Wag na kaya tayo tumuloy." Sa sobrang lala ng tampo ko ay naiyak nalang ako. Ito ang pinaka malalang tampo ko sakaniya so far.
"Mag ayos kana halika na." Kahit mukhang kakaiyak lang ay umalis na rin ako.
Ang sakit pala mag expect.
YOU ARE READING
When The Curtain Falls
Teen FictionWhen the curtain falls, others might think that it is the end of everything. But for us, it's the beginning of our little escape.