03

6 1 0
                                    

Kinuha ni Cleo ang costume na hinihiram ni Freydah at ibinigay sa'kin. 

"Ingatan mo yan, Ciara ah!" Nakahinga ako nang maluwag nang payagan nila akong umalis at makita si Freydah.

Nang makarating ako sa Euphoria ay nakita ko siyang nasa labas.

"Freydah!" Lumapit siya agad nang makita niya ako.

"Oh Ciara!" Lumabas ako ng sasakyan para kunin yung costume na hinihiram niya.

"Ikaw pa talaga pinag dala ni Scarlett nako nakakahiya." Nakakatuwa naman nahihiya pa siya. Nang maabot ko sakaniya ang costume.

"Hindi ka pa ba papasok?" I saw his face turn into a blank portrait. "Okay ka lang?" He let out a heavy sigh kaya lumapit ako sakaniya

"May nangyari lang sa loob." Niyaya ko siyang kumain muna saglit sa labas since rehearsal lang naman ang ganap nila ngayon. Tahimik lang si Freydah sa sasakyan, nag pho phone lang siya.

"Okay ka lang ba?" Nakaka bother naman kasi yung pagkatahimik niya knowing Freydah napaka ingay nito.

"Yung boss kasi namin eh." Nakwento nga sa'kin nila Scarlett na hindi talaga maganda ang management nila Freydah. "Lumabas lang din ako para hindi na ko makadagdag sa tensyon sa loob." 

"Kung ano man yan, lagi mong tandaan na nandito lang kami para sa'yo." Napasmile lang si Freydah sa'kin. Kahit di niya sabihin, alam kong di siya okay. 

"Thank you ah? Sa suporta niyo. Pero GV lang ano ka ba!" Grabe talaga yung kahit anong mangyari ay lagi lang silang GV. Nag usap lang kami about sakanilang Royals at pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na ulit siya sa Euphoria. 

"Ingat ka ah" Bumalik na ko sa apartment ko at naabutan sila Cian at Ciena sa sala na nag lalaro.

"Asan magulang nyan?" Silang dalawa lang ang naabutan ko sa apartment na naglalaro. Kahit si Sol ay wala.

"Umalis lang saglit." Pumasok ako sa kwarto para makapag palit ng damit.

"Kumusta naman ang pag bisita mo?" Umupo ako sa sofa at pinapanood maglaro si Ciena at Cian.

"Ayon, Kumain kami sa labas." napatingin ni  Ciena sa'kin na parang gulat na gulat.

"Ang speed mo naman mare!" 

"Gaga! tinreat ko lang siya para gumaan loob niya." Kinwento ko kay Ciena yung nangyari sakanila. Saktong dumating naman ang love birds. Nag paalam silang mag papahinga muna sa kwarto ko. Dinala naman namin si Cian sa malapit na mall para makapag pahinga sila.

"What do you want?" Panay turo na ang ginagawa nitong kasama namin.

"Car!" Hinayaan na muna namin siya makapaglaro.

"Grabe rin pala nangyayari sa Royals no?" Nasa gilid lang kami ni Ciena.

"Ewan ko nga bakit pinipili pa nilang mag stay dyan eh." Dala nalang din siguro ng bread and butter nila tong trabaho na to.

"They deserve so much better." Napaka talented nila. 

After maglaro ni Cian ay umuwi na rin kami at tulog pa rin sila Thea sa kwarto ko kaya nakaisip kami ng Ciena ng kalokohan.

"Cian, do you want baby sister?" Umiling naman si Cian.

"Your mom and dad will make one if you don't knock sa door nila." Pinipigilan kong matawa sa pinagsasabi ni Ciena

"Knock to Tata's room and cry." tumakbo si Cian sa pinto ng kwarto ko na umiiyak. Lumabas naman si Cleo at binuhat si Cian.

"Why are you crying?" Hindi pa rin natatapos umiyak si Cian kaya di kami makatawa dahil kami ang ituturo nitong bata.

"NO BABY!" Sigaw niya habang naiyak kaya di na namin kinaya at mangiyak ngiyak na kami sa tawa.

"Mga gago kayo!" nagets agad ni Cleo ang sinabi ni Cian. Kinuha ko na si Cian at tinaboy ang tatay niya.

"DON KANA, GAWA NA KAYO BABY!" 

When The Curtain FallsWhere stories live. Discover now