Nafeel kong parang babagsak na ang katawan ko when we got to Euphoria. Sobrang lamig ng paligid. Sumisilip si Freydah from their dressing room pero di ko alam mararamdaman ko.
Yung isang kasama namin pinagkalat sa kabilang table na birthday ko, sa table kasama ang manager ni Freydah. I was embarrassed but her manager greeted me and even order something for us. Kahiya mare!
Bago sila mag start ay pumunta muna sila Freydah sa other side of the stage. Nag p phone lang ako nang...
"Happy Birthday, Ciara!" I heard someone shouts and the next thing I know ay niyuyugyog na nila ako para tumingin. Nang tumingin ako, it was Freydah na naka heart ang kamay. Paano na ko mag tatampo nyan! Hindi na counted 12am na eh.
The whole show ay nakangiti lang ako. Pero hindi ako mapakali dahil sobrang lamig at hindi ko na mafeel ang katawan ko. After first set ay bumaba na sila. When Freydah got into our table, she hugged and greeted me personally. We took some photos at umikot na rin siya.
The whole night ay masama talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko rin alam kung anong nafifeel ko but my body is hella tired.
When Second set started, nakaupo nalang ako sa baba ng stage. Tumayo nalang ako nang si Freydah na. Pinyesa ba naman yung pyesa na gamit niya when I met her. After second set nila ay nag stay lang sa stage si Freydah
"Happy birthday, Ciara!" I was shocked nang sabihin niya ito sa mic. Guard may pakilig dito oh! We enjoyed the night and went home early.
Nakatulog na ko agad at nang magising ako ay malaking pagsisisi ang naramdaman ko. NAG DEBUT SIYA SA ISANG DRAG BRUNCH?! But at the same time ay iniinda ko pa rin ang sama ng pakiramdam ko.
"Bakit wala man lang pasabi na ngayon siya mag babaksi?" Ka video call ko sila Thea ngayon.
"Wala ka raw pake." Sagot naman ni Cleo sa background ni Thea.
"Di ikaw kausap beh." Naiiyak na nga yung tao rito look I'm crying na.
"Pero diba masama pakiramdam mo? Pumunta ka nalang sa susunod niyang baksi." Ciena said.
"Sabagay. Pero debut yon oh!" Umiyak nalang siguro.
"Don't risk your health." Sol said. Sabagay.
Nang gumaling ako ay nag pabalik balik na kami sa Euphoria. Ginawa ba namang kabilang kanto ang Euphoria. We even gained another precious person. Nagka Drag Mom pa kami sa pagpapabalik balik namin sa Euphoria!
May time rin na nag tampo ako sakaniya, but not necessarily a tampo, maybe I had a long day lang and hindi ko nasulit yung time ko with her.
"Ang dalas na natin dito." Mga morning realizations namin ni Ciena.
"True! And we need to reserve a table for Freydah's birthday show, sa 15 na yon." Then I remembered something. "Birthday celebration din pala ng sister ko yon!" Shoot! Please someone cut my body now na!
"So paano yan?" Pinalano ko agad ang gagawin ko for 15. I told my sister na ako ang mag dedecor ng birthday niya and don na rin ako mang gagaling papunta ng Euphoria.
"I can't really miss this event." Stress na ko dahil sunod sunod ang ganap ko.
"Maybe slow down a little." Ciena said.
"I'm trying. Hindi ko na rin alam."
When the day came, the day went smooth naman. We celebrated my sister's birthday sa hotel. And my sister invites Ciena so hindi na hassle for us tumakbo papuntang euphoria.
"Anong oras ka aalis?" My mom asked. Nandito na yung mga bisita namin.
"Mga 10." Nag ayos na rin kami ni Ciena para makahabol. Mag cocommute sana kami pero mahaba ang pila! So we decided na mag motor taxi nalang. It's raining din kasi.
"Paano table natin?" That's the first thing na iniisip namin. Cause it's almost 11 na! And 11:30 lang ang table and we want to get the front view para maganda sa video. No choice kami but to give up. Finally around 11 ay nakasakay na rin kami. Nang makarating ako ay wala pa si Ciena. It's almost 12 na! But whatever 12:20 naman start nila lol.
"Wait ko lang po kasama ko." I was shocked and froze when I saw Freydah's family beside me.
"Oh tita, kumusta po kayo?" Freydah's another manager was assisting them.
"Ito ang daming bitbit." Freydah's mom is a baker, may dala silang cake for her. And kasama nila ang dog ni Freydah! It's Diva!
"Galing pa po kayong Bulacan nyan?" Ang dami nga nilang bitbit mare! Plus Diva pa.
"Nag stay kami sa apartment niya." Freydah's apartment is siguro mga 20 na tambling from here.
Nang makapasok sila ay hindi na ko mapakali. Sa excitement at saya.
"NANDITO FAMILY NIYA!" I said when Ciena arrived.
"Nameet mo na?" Omg I just met her family! Shet meet the parents eme.
"Oo! Nasa taas sila with Diva." Grabe the whole show ay pinapanood lang talaga siya ng family niya. How fulfilling.
Nang nag p perform na siya ng long live ay nagulat ako nang makatabi ko ang kapatid niya sa crowd. I was shaking! She included Diva sa performance niya. Parang binayaran niya si Diva at ang behave naman ng baby na yan. Ang saya saya ng birthday show ni Freydah. Plus her family got to watch her perform.
After the show ay nakita ko sa crowd ang mom and dad niya na paalis na. Dumaan sila sa harap namin and I said bye kay Diva, tita waves Diva's paw as a sign of bye, cutie!
We we're just having fun, nakaupo lang kami sa stage while our drag mom is beside us. Ang fulfilling ng gabing ito.
We enjoyed the night and go home early since masyado na kaming pagod the whole day.

YOU ARE READING
When The Curtain Falls
TeenfikceWhen the curtain falls, others might think that it is the end of everything. But for us, it's the beginning of our little escape.