10

10 0 0
                                    

Magkakasama kami nila Thea ngayon, buo ang circle ko. Nasa apartment ko lang kami, pero balak naming pumunta ng mall.

"Nagtataka si Cleo sainyo ni Freydah." Napatingin naman ako kay Thea. Ano namang nakakapagtaka samin?

"Huh? Bakit?" Itong mag Fiance na to ang sarap pag buhulin eh. Cleo proposed to Thea nung pumunta kami sa gig niya one time. It was really magical. Sana all.

"Kung makapag story ka kasi at kung makikita mo raw mga stories ni Freydah sa close friends, mahihiwagaan ka raw." ANO YON?! Wala akong idea sa context ng close friends niya, pero is it really that confusing?

"Huh? Give me context." Ayaw ni Thea mag salita dahil naka close friends nga raw eh bat niya sasabihin.

"Basta sasabihin ko lang sa'yo, Wag mong sukuan si Freydah kahit anong ka moodyhan niya. Malay mo worth it pala to lahat." WAG NIYO KONG PAASAHIN!

Bigla namang dumating si Cleo, kasama si Cian.

"Hoy anong meron sainyo ni Freydah?" SASAKALIN KO TONG MGA TO.

"Anong anong meron? I'm his fan, duuh!" Fan nga ba?

"Idol lang ba turing mo?" Bigla akong natahimik nang sabihin ni Cleo yon. The moment of realization yarn.

"Bat ba ako hina hot seat niyo? Andyan naman si Ciena at Ghail! Si Sol at Tafhia! Bat ako?!"

"Oh bat nadamay kami?" Nasa gilid lang sila Ciena na nakikipag laro kay Cian.

"Kay Ghail at Ciena kasi sure na kami eh. May something talaga. Pero kayo ni Freydah, sobrang confusing." Totoo namang alam na namin ang real score ni Ghail at Ciena.

"Umamin kana kasi." Bumoboses si Sol sa gilid.

"Hindi ko alam. Wala namang kami. Ni hindi ko nga chinachat yon dahil nahihiya ako eh." Kahit matagal ko na kilala at kasama si Freydah, may hiya pa rin naman ako sakaniya.

"Wala kang nakikitang any signs sakaniya?" Bat ba nila ko pinapaasa?

"Wala naman. I mean lagi naman kasing parang may regla jusko. Kaya minsan napapaisip nalang din ako if he's happy pag andyan ako." Medyo mahirap din kasing basahin ugali ni Freydah.

"Love language niya yon!" Halos lahat ata ay yon ang sinasabi tungkol kay Freydah.

"Pang sampo kana ata sa nag sabi nyan. Alam ko naman, it's just may part sa'kin na I really want to be treated the way he treats others. Kayo nga eh, kahit minsan iray tong si Cleo ay may time pa rin na sweet siya." I really love Thea and Cleo's relationship.

"Hindi ba nagiging sweet si Freydah?" Jusko kahit end of the world na ata ay hindi pa rin yon sweet.

"Noon, super sweet niya pa. Ngayon kasi, hindi na." Looking back to those days na siya pa nagiinitiate ng mga bagay, that makes me want to go back to those days.

"Baka naman kasi yun yung sign!" Todo pilit sila oh.

"Sign? Baka pwedeng sabihin niya nalang. Oo, actions speak louder than words. But actions without words are confusing." Sila Thea talaga ang masarap kausap sa deep talks.

"Ikaw muna! Aminin mo muna sa sarili mo bago mo hingiin sa iba yung sagot na hindi mo man lang maibigay sa sarili mo." Hindi ko kasi talaga pinapansin ang nararamdaman ko dahil natatakot ako sa magiging resulta pag sinunod ko puso ko.

"Hindi pa ba obvious? Napapa what are you willing to do na nga ako sa mga nangyayari. Magiging affected ba ko sa pag labas ng new drag competition niya kung ganon ganon lang yung pagtingin ko sakaniya?" Kitang kita ang ngiti ni Thea at Cleo sa sinabi ko.

"So gusto mo nga siya? Mahal mo na?" Oo.

"Siguro." Maikli kong sagot at ibinaling ang atensyon sa ginagawa ko.

"Masyado ka naman kasing busy." Totoo naman.

"Malapit na kasi ang kasal niyo at wala ka pang bridal shower!" Yun ang pinag kaka busyhan namin ni Ciena lately.

"Oo nga no! Nakapag plano na kayo?" Hindi na namin ginawang surprise dahil magkakaiba ang taste namin.

"Yup! Samin samin nalang muna yon." Inayos na namin ni Ciena ang mga kailangan para sa bachelorette party. Nasa point na kami ng buhay namin na nasa pagpapakasal na kami. Funny how we started by just being supporters. pero ngayon, one of us is getting married.

I can't wait to witness Thea and Cleo's wedding. 

When The Curtain FallsWhere stories live. Discover now