Years ago...
"San ba tayo? Akala ko ba pop up lang?" Sumusunod lang ako sa mga kasama ko, pero iba na atang bar ang amats nila.
"Punta tayo Euphoria! Let's try naman don. Lagi nalang tayong nasa honey bar." Hinayaan ko nalang sila at madadagdag lang din naman ang mga drag bar sa listahan ko, so why not?
"Late na tayo! Pero okay lang yan." Natatawa nalang talaga ako sa pagiging aligaga ni Ciena at Thea.
As we entered the bar, I saw three gorgeous queens performing. All of them are wearing pink, like Barbie pink.
"May kamukhang artist yung isa" natawa nalang sila Ciena when I said that.
"Si Freydah ba? Tagal ko na rin sinasabi yan." Thea said. Freydah? Interesting.
"THEA! BAT NANDITO KA?!" Ay close sila? Sabagay, Thea's draga is Scarlett, so maybe dahil sakaniya.
"Sige uwi nalang ako." Thea said, which made me chuckle.
This thing feels like a safe space. Grabe ang atmosphere around these queens. Lahat sila ay nag perform, and it's already 2 a.m. Pinakilala na sila isa isa. Si Autumn ang nagpapakilala sakanila. I've known Autumn for a long time; ngayon ko nalang din siya nakita.
Then I saw her again—the queen who caught my attention.
"She's not just a queen; she is also the epitome of beauty and hotness, Freydah!" Ohh... That's true though.
"Ang ganda niya no?" I said.
"True! Pero kay Scarlett lang ako." Whatever! Kulang nalang ay pag buhulin ko na sila ni Scalett eh.
Nag party party lang kami at nag inom. This is probably the best bar I've been to. Dati ay hindi ko pinapansin tong Euphoria, but the queens are really accommodating and approachable. Ciena saw Autumn at nagpapicture kami. Kilig na kilig si Ciena pero syempre draga niya pa rin si Elyssa at tinatago pa niya ang kilig niya.
"Bat mo ba kami dinala rito, Thea? Wala naman si Scarlett dito." Ciena said. Hindi naman kasi to napunta sa mga lugar na wala si Scarlett.
"Hindi kasi okay si Ciara, di'ba? Edi ito, alam kong dito siya sasaya. Uminom nalang tayo para maging masaya ka." Sabagay masaya at magaan ang vibe rito sa euphoria.
"Ang ganda talaga nung Freydah!" I kept on saying that habang nag paparty party kami. "What's her socials? Follow ko siya." Lagi talaga akong nakaka notice ng magandang queens.
"How about Reese? Hindi na siya draga mo?" Reese is my draga, but recently kasi I can't feel her.
"Don nalang siya makipag mahal mahalan sa bebe niya." Hindi na rin kasi siya active sa pag d drag eh.
We just enjoyed the night, and Freydah and I had interactions and super kilig!
"Gandang ganda siya sa'yo!" Pag bubuking ni Thea.
"Hala nakakahiya po." Omg she's cute.
"But seriously, ang ganda mo!" I said. We took photos and bought some of her stickers. Umikot na si Freydah para mag bang bang at iniwan na kami.
"I think I love her." I told them.
"Ikalma mo yan." They keep on handing me drinks; kahit cocktail to ay nakakalasing din no!
"Are you guys having fun?" another Queen approached us.
"Raign!" Lahat ata ay kilala ni Thea.
"Oy! Wala si Scarlett?" Ayern si Scarlett agad hanap.
"Binalik ko na sa nanay niya. Charot!" They just catch up at umalis na rin siya.
"Lahat ata ay kilala mo na rito." Mayor yarn?
"Si Scarlett kasi nag dala sa'kin dito. Dati siyang nag p perform dito. Sabay sila ni Freydah dito at mag kasama sila dati sa apartment ni Scarlett."
"Edi pag naging draga ko pala si Freydah ay close ang draga natin."
"Sige ipush mo yan! Gawin mong draga si Freydah para masaya."
Maybe I should.
YOU ARE READING
When The Curtain Falls
Teen FictionWhen the curtain falls, others might think that it is the end of everything. But for us, it's the beginning of our little escape.