Chapter 2

1K 27 22
                                    

Secret Admirer

Khyssa

Pagkatapos ng nangyari kanina ay napagpasiyahan naming mag dinner muna kaya nandito na kami ngayon sa dining area upang kumain ng hapunan.

Tanging tunog lang ng utensils ang naririnig ko at wala ring nangsasalita sa amin kaya tinuon ko nalang ang sarili ko sa pag kain. Ganito kami palagi. Tsaka lang umiingay kapag may pag uusapan kami or yung mga parents ko ang mag uusap.

Habang busy ako sa pag kain bigla nalang nagsalita ang mga parents ko tungkol sa unibersidad na papasukan ko.

Sana naman sa magandang university ako ipasok.

Kasi baka sa kung saan ako ipasok tapos walang pogi don ang pangit naman.

Kailangan ko kasi ng inspiration.

"Anak, balak ka naming ipasok sa Vurtizé University—" hindi pa man natatapos ni dad ang sasabihin niya ay napaubo ako at dali daling uminom ng tubig dahil sa narinig.

"Wait, seryoso? sa Vurtizé?"

Kung panaginip man 'to wag niyo na
akong gisingin kahit bangungutin pa.

Vurtizé University is the crown jewel of education in the Philippines and a global titan of academic prestige. Spanning an immense, meticulously planned campus, it is renowned for its state-of-the-art facilities, groundbreaking architecture, and lush green spaces that reflect a perfect blend of innovation and tradition.

As the largest university in the Philippines, Vurtizé caters to tens of thousands of students, offering a vast array of programs across all fields of study. From its towering research centers to its world-class lecture halls, every corner of the campus exudes excellence. The university’s libraries are among the largest in the world, housing millions of volumes and digital resources accessible to scholars globally.

Nasa Vurtizé na ang lahat di ba? kaya pangarap ko talagang makapasok sa university na 'yon simula highschool pa lang ako dahil napaka ganda talaga doon.

Dati, kahit anong pilit ko kay Dad na doon mag aral hindi niya ako pinapayagan dahil daw may issue pa raw noon ang Vurtizé kaya ayaw niyang madawit ang apelyido namin kaya naiintindihan ko naman siya.

"Yes anak, alam namin ng mom mo na pangarap mo na noon pa na makapasok sa university na 'yon so pagbibigyan ka na namin."

Sinampal ko pa nang mahina ang sarili ko at confirm‚ hindi nga ako nananaginip.

Kala ko panaginip na. Go pa naman ako kahit bangungot pa.

"Pero akala ko po ba sa ibang university niyo ako papapasukin?"

"It's a prank?"

"Dad naman." natawa naman ang dad ko sa reaksyon ko.

"Sabi ng ninong mo i-enroll na raw kita sa university nila. Alam ko naman na pangarap mo na talaga na makapasok doon kaya hindi ko na tinanggihan. Tsaka alam mo naman ang ninong mo, mapilit."

Yung ninong ko ang may-ari ng University na 'yon na best friend ng tatay ko. Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ko gustong makapunta do'n dahil gusto kong makita anak niya. Yung masungit na kaibigan ko ata dati. Ata lang kasi ako lang yung gustong makipag-kaibigan sakaniya tapos siya napipilitan lang, ang sakit kaya no'n.

"Ang tita mo na ang makakasama mo sa university dahil doon naman siya nag ta-trabaho."

"Doon po nag t-trabaho si Tita Khyzél?"

"Yes," tugon ni dad.

"Anong pong trabaho niya do'n? janitress?" napahagalpak naman ng tawa ang mga magulang ko dahil sa biro ko.

The Gap Between UsWhere stories live. Discover now