Good thing nagdala ako ang laptop dito sa Cebu para malibang naman ako habang nagbabantay kay Papa. I won't be able to sleep din in fear that something might happened to him.
So i will not dare to sleep.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa panunuod ng Netflix with my coffee. But my mind still wandering kay Blueberry girl. Ewan ko ba kung bakit curious na curios ako sa kanya.
Siguro dahil inagawan nya ako ng pagkain.
Valid naman diba?
At may pumasok na nurse para i check si Papa. They check on him every one hour to make sure he is okay, hydrated and whatnot.
I just stare at the nurse absentmindedly and curiosity really got into me. "Hi can i ask you something?"
Napatingin ang nurse sakin. "Ano po yon?"
Medyo nahiya ako kasi unrelated and very marites ang atake ko. "Just random question." Umupo ako ng daretso. Paano ba to? Paano ko sasabihin? "Mm i notice this girl, who assume is one of the resident doctor here." Titig na titig ang nurse sakin. "Lagi syang nakafacemask." At para akong natauhan. "Ah never mind."
Bakit ko ba kasi tinatanong?
Like all the hell i care?
"Her name is Sara Clemente." Sabi ng Nurse sakin sabay ngiti.
"Oh wow." I'm actually surprise na kilala nya yong sinasabi ko kahit kulang kulang ang description ko.
"Anak po sya ng owner ng hospital na ito." Dagdag ng Nurse.
But I'm more curious of something. "Lagi ba talaga sya naka face mask?"
Napansin ko na karamihan ng doctor at nurse dito ay hindi naman nakaface mask,
Wala lang curious lang.
Bakit ba?
Ngumiti sya. "Hindi naman po."
"Oh i see." Nginitian ko din sya.
"Bisaya ka po ba or tagalog?" Sya naman ang nacurious sakin.
"Manila Girl." Sagot ko.
No one from my parents is from Cebu, they are both originated from Manila. Business ang nagdala sa kanila dito and they also chose to retire here.
Can't blame them because Cebu is such a wonderful and beautiful place to live.
"I see." Sabi nya sakin. "Do you have any question pa po?"
"That's all, salamat."
I just spent all night watching but blueberry's name echo in my head like a song from the radio and i freaking hate it.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
I don't know kung gaano katagal but when i wake up, my mother is already in the room.
"Mom." Inaantok pa ako. Nakaupo si Mama sa tabi ni Papa na gising narin pala. "Good morning guys."
"Good morning Anak." Pagbati sakin ni Mama. "Hindi na kita ginising, alam ko kasi na pagod at puyat ka."
Umupo ako sa sofa, ang sakit ng katawan ko. "Okay lang po Ma." At tumayo para i check si Papa. He looks better, okay narin ang kulay nya. "Kamusta po ang pakiramdam mo Pa?"
He give me a weak smile but genuinely happy. "Better." Hinawakan ni Papa ang kamay ko. "Namiss kita Anak."
"At sobrang namiss din po kita, kayo ni Mama." Pinsil ako ang kamay nya. "I'm really sorry kung hindi ako nakakadalaw masyado —"

YOU ARE READING
Manila Girl
RomanceJill is a rebel child who chose to live in the city of lights, She lives wild and free. But her decision often leads her in mistakes and regrets. Jill always disappoint her parents especially her father. - and when he father got sick, she is forced...