"mahal na prinsipe nakabalik na ho ako" rinig kong tawag ni Nay Miriam sa akin kaya agad akong napapasok sa loob ng mansyon at iniwan na muna ang pagdidilig sa mga pananim namin.
Kaninang umaga kasi ay nagpresenta si Nay Miriam na sya nalang ang magpapadurog o magpapapulbpd doon sa buto ng kape na pinadry namin. Hindi sana ako papayag at binalak sanang samahan ito pero hindi na rin ito pumayag dahil baka daw may makakilala saaking mamamayan sa bayan at kong ano pang mangyare. Nagrason pa ako sa kanya pero hindi rin umobra.
Agad ko namang nakita si Nay Miriam na nilalapag ang bayong na hawak niya sa mesa sa kusina at agad nya naman akong napansin at tila excited din na tinuro saakin kong nasaan ang pinadurog kong kape sa kanya.
"nandyan po sa loob ang pinadurog ninyong buto ng kape mahal na prinsipe. Alam nyo po ba sabi ng lalaking nagpulbos nyan ay tila malakas na aroma daw po ang nainilalabas daw ng maging powder na iyan. Kahit ako nga din po ay namangha ng maamoy ko ang mabangong samyo nito. Ilang tao pa nga po doon ay nakiusyuso din at tinatanong kong anong klaseng bagay iyan pero wala po akong isiniwalat na kahit ano dahil wala namang po akong gaanong alam sa bagay na iyan o inumin na iyan kundi ang pangalan nitong kape na sinabi nyo.
"ready kana bang mamangha Nay sa matitikman mo? " excited na tanong ko sa kanya at maging siya ay hindi maitago ang excitement. Mabuti nalang ay may naisalang na din akong mainit na tubig dahil balak ko nga agad na magtimpla once na makarating na si Nay Miriam dahil miss na miss ko na magkape.
Agad akong nagtimpla sa magkabilang baso habang si nanay naman ay nakatutok lang ang mga mata sa ginagawa ko. Nang malagyan ko na ng kape at asukal ang tasa ay agad kong kinuha ang takure at agad na ibinuhos sa dalawang tasa. Agad na sumiwalat ang presko at mahalimuyak na amoy ng kape.
"hhmm ang bango mahal na prinsipe ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong amoy ng inumin. Kakaiba at tila nakakagising ng diwa" wika ni nanay.
"ihalo halo lang ho natin nay at mag ingat po kayo sa pag inom nyan kasi mainit po ang tubig" paalala ko sa kanya na kanya namang sinunod. Halos maluha naman ako ng magsimula akong humigop ng kape ko.
"wow mahal na prinsipe tunay ngang kakaiba ang lasa nito kaysa sa tea na iniinom natin. Ngayon lang ako nakalasa ng ganito katapang at kakaibang inumin. Unang higop ko palang po dito ay nakakahalina na ang lasa" komento pa ni Nay Miriam na halos hindi na matigil sa pag inom nun na para bang hindi mainit ang iniinom nitong kape. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa pagkamangha ni Nay Miriam.
"sa tingin nyo nay ay bebenta ito kapag nagsimula tayong magbenta nito sa bayan? " tanong ko sa kanya.
Walang pag aalinlangan itong tumango "walang kwestyon na marami ang maghahangad sa ganitong kasarap na inumin mahal na prinsipe. Perpekto ito sa umaga dahil sa malakas na sipa nito sa sikmura na parang ginigising ang diwa ko"
"kong ganon nay ay ito ang una nating ipapakilala sa bayan. Gusto kong masubukang magbenta nito sa paraan na itong ay makakapagproduce tayo ng kita at hindi na tayo masyadong aasa sa perang galing sa palasyo at kapag namunga ang mga tanim nating mga gulay ay iyon naman ang ibebenta natin".
Pumayag naman si Nay Miriam at nagpresenta itong sya nalang ang magbebenta dahil ang isang prinsipeng kagaya ko ay hindi dapat daw ginagawa ang ganon pero mariin akong tumutol sa kanya at kahit labag sa kalooban nya ay wala na itong nagawa pa at mapilit ako.
The next day ay agad kaming tumungo ni nay Miriam sa bayan at nagsimulang maglibot libot habang si nanay ay syang nag aalok sa mga nadadaanan namin pero walang ni isang pumapansin saamin kaya napapangiti nalang ng tabingi si nanay habang ako ay nginingitian lang siya na pinaparating na ayos lang iyan.
I already expected it dahil unang una ay walang may alam sa binebenta namin.
We ended up bringing back all the coffee powder na nilagay namin sa magkakaparehas na garapon.
BINABASA MO ANG
Reincarnation Series 1: The Unwanted Prince
General Fiction" I don't want this life anymore. I rather become a bubbles that will suddenly disappear to forget all of this sufferings" What if you given a second chance to live again but the only difference is you will live not as your past life but on another...