(GRIEGO COUSINS #1)
Seven years after his mother's tragic death, Angelus Griego's father, Simon Griego, made a life-changing decision to marry a wealthy businesswoman with a troubled past and a sick child. Angelus, known for his charm, intelligence...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Ang katotohanan bang nasa labas si Kuya Angelus, sinusundo ako, o ang babaeng nasa harapan ko, halos pangunahan kami ni Reina sa paglabas.
She's walking rapidly, like she knows exactly where Kuya Angelus is waiting. Reina's now laughing beside me.
"Look at her, super excited."
I sighed. Bakit ba kasi nandito ang gagong iyon? Nagpaalam ako kay Mama. At pinaalam din ako ni Reina. Ano ko siya, tatay? I have a life of my own.
Marami kaming nakasalubong. Most of them are now tipsy. Mabuti na lang at madali iyong nilagpasan ni Reina, akay ako. Paglabas pa lang namin sa loob ng bahay, halos nasa gate na si Maureen!
I can't believe her. I know she likes him. Pero kung magkikita nga sila ni Kuya Angelus, ano naman ang gagawin niya? What's the use of outrunning us and facing him first?
This is ridiculous and annoying!
"Hi!" Ngiti ni Maureen nang maabutan na namin siya sa gate.
Kumunot ang aking noo at agad na natanaw si Kuya Angelus. Nakahilig siya sa kaniyang sasakyan, magkakrus ang mga braso. He's not wearing his tie and coat anymore. Tanging slacks at puting dress shirt na lang. Bukas ang tatlong butones at nakatupi hanggang siko ang sleeves, pinapakita ang tattoo niya.
His face was grim. Mukhang bad trip talaga siya. His hair was pushed sideways, like he combed it, and he didn't notice that he left it that way. Inangat niya ang madilim na mga mata sa akin at kumalas mula sa pagkakakrus ng mga braso. Tumuwid siya.
"Kuya A naman! We were having fun!" Ani Reina nang makalapit.
"Hi! You're Angelus, right?" si Maureen.
Wala siyang nilingon sa dalawa. Nanatili ang mariing titig niya sa akin. My heart hammered my ribcage when he strode towards me. Tumigas ang buong katawan ko at halos mapaatras nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
What is he going to do?
"N—Nagpaalam ako kay Mama—" My eyes widened when he grabbed both of my waists and leaned on my neck.
Muntik ko na siyang itulak. He sniffed my neck. Ramdam ko ang biglaang panlalamig. Lalo na nang makita ko ang pagkakagulantang nina Reina at Maureen habang pinapanood kami.
"What a—are you doing?" kabado kong bulong sa kaniya.
He didn't answer. Inamoy niya ang aking panga at sinunod ang aking balikat. Gusto ko na lang tumakbo nang dahan-dahang lumapit sa amin si Reina, puno ng pagtataka ang mukha.