WHAT if I'm the person he likes? What if he lied about the person he liked? What if he just wanted to get close to me? To know me? What if...
I sighed. Hindi naman ako nakapag-concentrate sa klase dahil sa mga tanong na pumapasok sa isipan ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Maika nang pauwi na kami galing sa eskuwela.
"May iniisip lang," tugon ko habang diretso lang ang tingin sa daan.
"Nahirapan ka ba sa klase ninyo? Kung may hindi ka maintindihan, tanungin mo lang ako," sabi niya. Magaling kasi si Maika sa Japanese language kaya sa kaniya ako nagtatanong kapag mayroon akong hindi naiintindihan. Simula pagkabata ay nag-aaral na siya ng Japanese language. She was a graduate of the Bachelor of Science in International Studies with a major in Japanese Language and Studies. She is a JLPT N2 passer, and she's aiming for N1, the most difficult level of the Japanese language exam. The JLPT has five levels: N1, N2, N3, N4, and N5. The easiest level is N5, and the most difficult level is N1.
Nilingon ko siya at saka nginitian. "Thank you."
Nginitian niya rin ako. "By the way, dumaan muna tayo sa supermarket. Naubusan na kasi tayo ng tissue."
"Sure," pagpayag ko.
Agad naman kaming dumiretso sa supermarket na katabi lang ng dorm namin. At habang naghihintay sa kaniya na mabayaran ang pinamili naming tissue ay ch-in-eck ko ang aking cellphone. Napatingin naman ako sa messages.
Hiro:
Magandang hapon!
I giggled. Simula kahapon ay mini-message na niya ako gamit ang linguwaheng Tagalog. S-in-uggest ko kasi sa kaniya na gumamit siya ng Tagalog kapag magme-message siya sa akin.
Lhea:
Magandang hapon!
Hiro:
Kumusta?
Lhea:
Ayos lang naman. Ikaw, kumusta?
Hiro:
Ayos lang din.
"Sino iyang ka-chat mo? Boyfriend mo, no?" tanong ni Maika mula sa aking likuran.
Napapitlag naman ako sa gulat at agad siyang nilingon. "Hindi, a," tugon ko at saka isinilid ang aking phone sa bag.
"E, sino ba iyang ka-chat mo? Bakit parang masaya ka?" tanong niya ulit na may pagdududa.
"Iyong estudyante ko lang ang ka-chat ko," tugon ko.
Bigla siyang suminghap. "Are you two dating?" she asked.
Naningkit naman ang aking mga mata. "No, we're not!" sagot ko at saka naglakad palabas ng supermarket. Nakasunod naman siya sa akin.
"Are you two dating?" pag-uulit niya.
"No, we're not," sagot ko ulit.
"Really?" panigurado niyang tanong.
I sighed. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi rin naman kasi niya ako pakikinggan.
"PASENSIYA na kung ngayon lang ako," hinihingal kong paghingi ng paumanhin kay Hiro. Kararating ko lang galing sa trabaho. Medyo natagalan kasi dahil sa rami ng mga customers.
BINABASA MO ANG
How Do You Say I Like You?
RomanceWhile deciding what to eat, Lhea Chavez was asked by a man to teach him Tagalog. Yamada Hiro aims to learn Tagalog in order to speak with a Filipino he likes. Although it seemed odd, she agreed. What would happen if she starts to develop feelings fo...