"ARE you okay?" Hiro asked when we get off the roller coaster. Bakas naman sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "Gusto mo ba ng tubig?"
"Yes, please," mahina kong tugon sabay tango nang marahan.
"Wait for me here," he instructed after making me sit on a bench. Pagkatapos ay umalis siya para bumili ng tubig. I left my water bottle at home because it wouldn't fit in my sling bag.
Isinandal ko ang aking likod sa upuan para magpahinga. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Hindi ko alam na nakahihilo pala ang roller coaster. Kung alam ko lang sana ay hindi na ako sumunod sa kaniya. Pero kahit na siguro alam ko, hindi ko pa rin siya matatanggihan.
Bigla ko namang naalala kung gaano siya kasaya noong hinila niya ako pasakay sa roller coaster.
Mayamaya ay bumalik siya na may dalang tubig na agad niyang iniabot sa akin.
"Thank you," pasasalamat ko nang tanggapin ko iyon at saka ininom.
"Okay ka na ba?" tanong niya pagkatapos kong uminom. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
Tumango-tango naman ako at saka nginitian siya. "Do you want to ride the Ferris Wheel?" I asked. Sa tingin ko kasi ay gustong-guto niyang sumakay sa mga rides.
Biglang lumiwanag ang kaniyang mukha. Kaya naman ay natawa ako nang tahimik. Para siyang bata na nasasabik na sumakay sa Ferris Wheel. As I thought, he wants to get on the rides.
Pagkatapos ay tumayo ako at saka kami tumungo sa Ferris Wheel. Pumila kami nang ilang minuto dahil sa rami ng tao. Nang kami na ang sasakay ay naunang sumakay si Hiro. Pagkatapos ay iniabot niya ang kaniyang kanang kamay na ikinabigla ko. Umaandar ang Ferris Wheel kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad ko iyong tinanggap at saka niya ako hinila pasakay sa passenger car. Muntikan naman akong natumba pero mabilis niya akong niyakap sa beywang para saluhin ako. Bigla namang uminit ang aking pisngi at bumilis ang tibok ng aking puso.
"T-Thank you," nauutal kong pasasalamat sa kaniya at saka umupo sa katapat na upuan. "A-And I'm sorry. Y-You bought an All-You-Can-Ride ticket, but we only ride roller coasters and Ferris Wheels," I apologize while not being able to look straight.
Umiling-iling siya. "It's okay. We can look for another ride that won't make you nauseous."
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"How about Merry Go Round? I think it's okay for you."
Tumango-tango naman ako bilang pagsang-ayon. Kaya naman ay agad kaming tumungo sa Merry Go Round nang nakababa na kami. Pagkatapos ay nilibot namin ang buong Amusement Park at sinubukan ang iba pang rides.
"THREE, two, one, Happy New Year!" everyone shouted. Kasabay naman niyon ang pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan.
Napamangha naman ako dahil sa ganda nito. Ilang beses na akong nakakita ng fireworks display pero napapamangha pa rin ako dahil sa ganda nito.
Hindi pa natatapos ang Countdown Event ay umalis na kami at saka naglakad-lakad.
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya.
Umiling-iling ako. "Hindi pa. Ikaw? Baka inaantok ka na?" tanong ko pabalik sabay lingon sa kaniya.
"Hindi rin, e," tugon niya at saka napaisip. "Do you want to play carnival games?" he asked. Nilingon niya rin ako kaya naman ay nagtama ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
How Do You Say I Like You?
RomansWhile deciding what to eat, Lhea Chavez was asked by a man to teach him Tagalog. Yamada Hiro aims to learn Tagalog in order to speak with a Filipino he likes. Although it seemed odd, she agreed. What would happen if she starts to develop feelings fo...