Lesson 10

0 0 0
                                    

"MARAMING salamat ulit sa pag-imbita mo sa akin sa concert," pasasalamat ko kay Hiro nang nakababa na kami ng tren at palabas na ng ticket gate.

Umiling-iling siya. "Walang ano man. Let's go again next time." He smiled.

Nginitian ko rin siya. "Sure!" I agreed.

Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kaniya at saka naglakad papunta sa kabilang exit. Ilang sandali lang ay tinawag niya ang pangalan ko. Kaya naman ay natigilan ako at nilingon siya.

"P-Puwede ba kitang tawagan?" nauutal niyang tanong habang hindi makatingin nang maayos sa akin.

Naguguluhan naman ako. He wants to call me. But why?

"I-I mean, can I call you instead of sending you a message?" he stuttered.

Natawa naman ako. Wala naman sigurong mawawala kung tatawagan niya ako.

"Sure!" pagpayag ko.

Kaya naman ay laking tuwa niya at saka kinawayan ako. "Ingat sa pag-uwi!" sabi niya.

Kinawayan ko rin siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.

Kagaya nga sinabi niya ay tinawagan niya ako nang nakauwi ako. Hindi ko naman agad iyon sinagot. Lumabas muna ako ng kuwarto at saka pumunta sa terrace.

"Hello?" patanong kong sagot sa kaniyang tawag.

Hindi agad ito sumagot na ipinagtaka ko.

"Hello, nakauwi ka na ba?" tanong niya.

Napangiti naman ako nang narinig ko ang kaniyang boses. "Oo, kararating ko lang din sa dorm," mahina kong tugon dahil gabi na. Ayoko kasing makaabala sa iba.

"I'm sorry if I called you, even though it is already late," he said.

"No, it's okay. I'm still not sleepy, though," I lied. Kanina ko pa gustong magpahinga dahil sa pagod. But I wanted to answer his call. I want to hear his voice, even though we've been together for the whole day. Is this how being in love truly feels?

"Miss Chavez?"

"Yes?" I was lost in thought. Hindi ko tuloy narinig ang mga sinabi niya.

"I think you're already tired. I'll call you again next time. Good night," pagpapaalam niya.

"Good night," tugon ko at saka ibinaba na ang tawag. Nanatili muna ako sa terrace bago pumasok sa loob.

"Is that your boyfriend?" tanong ng isang babae na ikinagulat ko. Hindi ko alam na may ibang tao pala rito sa terrace.

Bigla namang uminit ang aking pisngi. "N-No," pagtanggi ko. Napatingin naman ako sa kaniyang mukha. Sa pagkakatanda ko, isa siyang Vietnamese.

"Really? If he's not, why is he calling you at this hour?" she curiously asked.

Hindi ako nakasagot kaya naman ay natawa siya. "Nevermind," she said before she left.

Napaisip naman ako. She's right. If Hiro is not my boyfriend, why is he calling me at this hour?

How Do You Say I Like You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon